MATABIL
ni John Fontanilla
ISANG malaking karangalan para sa aktor na si Rosh Barman ang makasama sa pelikulang Topakk na entry sa 2024 MMFF ng Nathan Studios.
Tsikani Rosh, “Bata pa ako napapanood ko na ‘yung Parade of Stars ng mga pelikulang kasama sa MMFF. Pero ‘di ko inakala na one day ay makakasakay ako sa float at ako naman ang napapanood ng mga taong nag-aabang sa float ng mga pelikulang kasama sa MMFF.
“Kaya sobrang happy talaga ako, dahil first time ko na makasama sa pelikula na kasama sa MMFF.
“Dream come true po sa akin na makasama sa napakagandang pelikulang ito, kaya nagpapasalamat ako kay Direk Richard Somes, sa Nathan Studios at kay Ma’am Sylvia Sanchez.”
Dagdag pa sa kasiyahan ni Rosh na makasama sa movie ang awardwinning actor and politician na si Arjo Atayde, mahusay na aktres na si Julia Montes.
Napapanood na ang Topakk sa mga sinehan nationwide.