MA at PA
ni Rommel Placente
NOONG Wednesday, araw ng Pasko ay first day ng pagpapalabas ng lahat ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Kahit maulan ay dinagsa pa rin ito ng manonood.
Nasa Gateway kami kahapon para sa imbitasyon ng pelikulang Topakk na entry ng Nathan Studios at pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde at Julia Montes. In fairness, puno at sold out na rin ang mga sinehan na ipinalabas ito. Naroon din para mag-ikot ang actress/at producer na si Sylvia Sanchez. Dito ay na-interview namin siya at ibinahagi ang pagkadesmaya noong una dahil 36 lamang na sinehan ang naibigay sa kanilang pelikula. Kaya naman hindi na raw sila umasa pa na makakalaban sa topgrosser.
Ano nga ba naman daw ang laban nila sa apat na pelikulang may mahigit 100 hanggang 200 cinemas na nakuhang mag-showing sa buong bansa?
Pero imbes na mag-dwell raw sa sama ng loob si Sylvia ay laban lamang dahil naniniwala sila na maganda ang kanilang pelikula.
Narinig naman daw niya sa interview kay MMDA Chairman Atty. Don Artes ang paliwanag na hindi nila kontrolado ang mga sinehan sa mga probinsiya. Ang sa Metro Manila lamang ang nako-control nila ang hatian ng mga sinehan.
Naiintindihan naman ito ni Sylvia na business is business pero sana naman, ito man lang filmfest maging pantay-pantay sa isang taon lang. Pero hindi pala ganoon ang sistema. Ngayon lamang nakita ito ng actress/producer.
Pero pag-uulit niya, umaasa na lamang sila na dahil maganda naman ang kanilang pelikula ay madagragan pa ang kanilang sinehan.
Bagay na atin namang sinasang-ayunan dahil napanood na rin natin ang pelikulang ito ay masasabing dekalidad at papasa sa mga mahihilig sa action film at talaga namang mahuhusay ang mga artistang gumanap lalo na ang mga bidang sina Arjo at Julia.