I-FLEX
ni Jun Nardo
ANG pelikulang Kingdom ang sagot ni Vic Sotto sa tanong ng mga anak kung kailan siya gagawa ng pelikulang seryoso.
Out of the box na maituturing ang ginawa ni Bossing Vic sa movie dahil hindi siya mapapanood na nagpapatawa at makikita ang mannerisms niya sa nakaraang past comedy films niyang nagpatanyag sa kanya.
“Marami akong tanong bago ko gawin ang isang eksena. Ano ang boses ko? Paano ang kilos ko? Binago lahat at sa tulong ng co-actors ko at director Mike Tuviera, pati ako, nagulat din dahil wala sa movie ‘yung ginagawa ko,” rason ni Vic.
Eh nakadagdag pa na si Piolo Pascual ang isa sa co-stars niya sa movie kaya sey ni Vic, “Go na ‘yan!”
Para naman kay Piolo, surreal pa rin ang feeling niya dahil hindi niya inaakalang makakasama sa movie ang iniidolo lang niyang si Bossing.
“Forever grateful. Sobrang starstruck ako lalo na noong magharap na kami sa isang importateng scene ng movie!” deklarasyon ni Piolo.
Ang pelikula ay mapapanood sa December 25.