Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hello Love Again Kathryn Bernardo Alden Richard Kathden Dingdong Dantes Marian Rivera DongYan Rewind

DongYan hawak pa rin titulong Box Office King & Queen; KathDen kailangang maka-P2-B muna

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGMALAKI na naman  ang producers ng Kathryn Bernardo at Alden Richards movie na nagtala ng boxoffice record sa gross income na ipinalalabas pang tinalo na nito ang record ng Dong-Yan movie na Rewind.

Teka lang naman, huh!

Naku, ang kinita ng KathDen movie ay kinalap talaga sa advance ticket selling, showing nito sa ibang bansa at block screenings.

Eh ‘yung Rewind, sa Metro Manila Film Festival ipinalabas. Ten days sa sinehan at sa extension nito. Dagdag na kita ang block screenings!

Eh kung nagkaroon ng advance ticket selling, showing ng movie sa ibang bansa, aba, baka mahigit P2-B na ang kinita nito, huh.

Hindi na kailangang umikot pa, ibenta nang maaga at kung ano-ano pang marketing strategy ang gawin para kumita ng more than P1-B. Dito pa lang sa nanood sa bansa, lumikha na ng record sa takilya ang Rewind.

Kapag kumita ng P2-B ang KathDen movie sa mga sinehan dito, at saka kapani-paniwalang breaking records ito.

Wala pa ring makatinag sa pagiging Box Office King and Queen nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Gawin muna ‘yan bago ang praise releases sa kinita ng pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …