Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEX
ni Jun Nardo

BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon ng dalawang anak. Soon, magiging tatlo na ang anak nila ng asawang non-showbiz na kung babae ito eh magkakaroon sila ng Tres Marias!

Nakausap ng Marites University si JC at dama ang kaligayahan niya sa pagkakaroon ng pamilya.

Masarap ang feeling. Tapos na ‘yung days na puyatan sa trabaho, gimik, na parang wala nang bukas. Mahalaga lang sa akin ang ngayon noon. Pero ngayon, kasama na sa ginagawa ko ang future ng pamilya ko,” pahayag ni JC.

Sa tototo lang, maaga nang natutulog si JC dahil katabi niya ang mga anak.

Wala na akong time para manood ng Netflix! Hahaha! Kasi nga, baka magising ang mga bata. I see to it din na may nap ako kahit ilang minutes. Noon, balewala ang mahabang tulog sa akin. Now importante na at ‘yung balanced food,” saad pa ng aktor.

At nasusubaybayan niya ang mga anak kung tulog na dahil sa suot na espesyal na relo na connected sa room nila, huh.

Kaya naman sa bago niyang movie na Huwag Mo ‘Kong Iwan ng Bentria Productions opposite Rhian Ramos na naging special sa kanya noon, sa asawa pinatutungkol ni JC ang title ng movie na idinirehe ni Joel Lamangan at showing sa November 27.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …