Thursday , November 14 2024
Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Greg Blanco, 48 years old, nagtatrabaho bilang vendor at pahinante sa isang public market, kasalukuyang naninirahan sa Quezon City.

         Sa hanapbuhay ko pong ito, mas madalas na ako’y nasa palengke mula 2:00 am hanggang 2:00 pm. ‘yan po ang oras ng bagsakan at pagtitindi hanggang break time sa tanghali.

         Minsan po sa paghihintay ng mga bagong prutas at gulay sa bagsakan, nakatulog ako sa aking folding chair. Hindi ko namalayan na pinapak na pala ng lamok ang braso ko. Kaya pag-uwi ko alalang-alala si misis baka daw ma-dengue ako. Pero ako, ang idinadaing ko ay ang labis na kati.

         Sabi ni misis, “ay sandali.” Pabalik niya ay dala niya ang isang maliit na boteng kulay green ang tatak — Krystall Herbal Oil — agad niyang inihaplos sa mga kagat ng lamok, parang minasahe niya sa loob ng 15 minutes. Unti-unti naramdaman ko na nawala ang  pangangati sa aking braso hanggang makatulog ako. Paggising ko bandang 7:00 pm, aba pati ang mga pantal na pula ay nawala na. Hindi ako makapaniwala. Pambihira talaga.

         Pagdating ko sa palengke, ipinakita ko sa mga kasamahan ko ang ‘milagro’ ng Krystall Herbal Oil. Maging sila ay hindi makapaniwala dahil nakita nila ang braso ko noong punong-puno ng pantal.

         Simula noon, lahat ng mga kasama ko sa palengke ay nagsikap makabili ng  Krystall Herbal Oil dahil nakita nila ang kakaibang epekto at husay nito.

         Thank you so much Sis Fely, dahil sa inyong napakahusay na imbensiyon ay napanatag kami lalo ngayong panahon ng dengue.

         God bless po.

GREG BLANCO

Quezon City

About Fely Guy Ong

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

111324 Hataw Frontpage

‘OFEL’ GANAP NANG BAGYO  
Signal No. 4 posibleng itaas sa ilang lugar

HATAW News Team TULUYAN nang naging severe tropical storm ang bagyong Ofel (international name: Usagi) …