Wednesday , January 29 2025
PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYON
ni Teddy Brul

HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico Sotto na magpaliwanag sa troll activities ng tanggapan ni City Administrator’s Executive Assistant, Maurice Mikkelsen Philippe Camposano.

Inakusahan si Camposano bilang operator ng troll army na nagsagawa ng propaganda attacks laban sa mga kalaban sa politika ni Sotto, mula pa noong 2019 at posibleng hanggang ngayon.

“Dapat magpaliwanag si Sotto sa mga Pasigueño. Dapat paharapin mo sa taong bayan ‘yang tao ninyo dahil marami sa aming Pasigueño ang nabıktıma niyan. Kung kailangan kasuhan si Camposano, dapat makasuhan. Huwag na huwag mo pare-resign-in ‘yan! Sabi mo nga, taktika ng mga makalumang politiko ‘yan, trapong-trapo at corrupt ang dating ng galawan kung resignation lang magiging parusa niyan. Hindi na papayag ang Pasigueño na ganyan na lang lagi and I will quote Mayor Vico, “Ang Tama, ay Tama; at ang Mali ay Mali!” diin ni Sia.

Kasabay nito, tinanong ni Sia na kung totoong may troll operations si Camposano ay sino ang nagpopondo nito?

Madalas nating marinig si Sotto na galit daw sa troll. At sinasabi niya may resibo pa siya against sa mga luma at maruming estilo ng pamomolitika. ‘Yun pala may sarili siyang ‘troll army’ sa bakuran ng city hall. May mga na-discover daw siya na trolls sa kaibigan niya. No wonder, sa 8th floor lang pala sila pare-parehong nag-o-opisina,” ayon kay Sia.

Ayon sa inilabas na press statement ni Sia, bago naitalaga sa magandang posisyon sa Pasig, in-operate umano ni Camposano ang ilang Facebook pages na bumanat sa mga kalaban ni Sotto at maging ang mga simpleng Pasigueño na nagsisimula nang magduda sa kanyang liderato.

         Ayon kay Sia, may isang paper trail umano’y na nagpakitang bayad ang mga ads para sa smear campaign laban sa mga kritiko ni Sotto.

“Executive assistant to the city administrator si Camposano, na directly reporting naman kay Sotto.

Ayon sa kanyang ‘virtual staff.ph’ page, ang kanyang rate bilang content moderator ay $375.00 per hour or $30,000.00/month o approximately P1.5M per month.

“Ni hindi nga residente ng Pasig itong si Camposano pero trabaho niyang sirain ang reputasyon ng mga kukuwestiyon kay Sotto, kalaban man sa politika o simpleng mamamayan ng Pasig,” ayon kay Sia.

About Teddy Brul

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Laglag na si Bato, lumalaban pa si Bong Go

SIPATni Mat Vicencio DAPAT tanggapin na ni Senator Bato dela Rosa sa kanyang sarili na …

Firing Line Robert Roque

Sex education

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG mga usapan tungkol sa inaasal, maikokonsiderang disente, pagkakasakit, …

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …