Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Montes Coco Martin

Coco open na sa relasyon nila ni Julia: Ang sarap na mayroon kang katuwang na mahal ka, sinusuportahan

MA at PA
ni Rommel Placente

KUNG dati ay iwas si Coco Martin kapag tinatanong ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Montes, ngayon ay very proud na siyang magkuwento kapag hinihingan ng reaksiyon tungkol dito. 

Nagpapasalamat daw siya  kay Julia dahil sa  pagmamahal at suportang ibinibigay nito sa kanya at sa lahat ng mga ginagawa niyang proyekto.

Ramdam na ramdan niya ang love nito sa lahat ng ginagawa, mapapelikula o soap opera.

Sey pa niya sa isang panayam, “Ang sarap na alam mo mayroon kang katuwang na alam mong mahal ka, sinuportahan ka tapos give and take kayo.” 

Nagbibigayan daw sila at walang inggitan at walang kompetisyon.

Gusto ring panatilihin nina Coco at Julia ang pagiging pribado ng kanilang relasyon para iwas intriga at kontrobersiya.

Tahimik, tahimik ang buhay, walang intriga. Sabi ko nga, the more na tahimik ka, the more na ito ka lang, private ka lang, mas nakaiiwas ka sa ikasisira ng buhay mo or ikasisira ng relasyon,” sabi pa ng aktor. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …