Thursday , April 3 2025
Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa vlog nito na Showbiz Updates, nabanggit niya na kung sakaling papasukin ang politika o kakandidato siya, hindi niya ito paplanuhin.

Sabi ni Vice, “Parang hindi ko siya mapaghahandaan. Parang sabi nga nila, calling. Kapag naramdaman mo, naramdaman mo. Ni hindi ko nga siya paplanuhin.

“Kaya kapag may nagtatanong nga sa akin ‘di ba, niloloko ko. Sabi ko, ‘ayaw ko niyan ang baba (ng posisyon). Gusto ko presidente agad!’”

At kapag dumating na raw ‘yung panahong kakandidato siya, hindi siya mangangampanya at never siyang gagastos para rito. Pinaghirapan daw kasi niya ang lahat ng kinita sa showbiz.

Hindi ako mangangampanya. Magpa-file ako ng candidacy tapos gagawa akong vlog. ‘Tatakbo po ako ito po ‘yung mga plataporma ko. Kung bet n’yo kong iboto, go. Kung hindi, okay lang din.’ Pero joke lang ‘yun,” aniya pa.

Pero sa totoo lang, hindi pa niya talaga nai-imagine ang sarili na nasa politika pero ayaw din niyang magsalita ng tapos dahil baka kainin lang niya ang sinabi.

Ilang beses nang nabalita na maraming nanliligaw na mga political group kay Vice para tumakbo sa eleksiyon pero lahat ng ito ay tinanggihan niya.

About Rommel Placente

Check Also

Yohan Castro Vehnee Saturno

Yohan Castro balik-showbiz, patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AFTER two years ay itinuloy ni Yohan Castro ang kanyang …

Iñigo Pascual Allen Dizon

Iñigo Pascual bigay-todo sa pelikulang “Fatherland”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KABILA ng Hollywood stint ni Iñigo Pacual sa TV …

D Grind Outstanding Dance Group sa Best Magazine

D Grind Outstanding Dance Group sa Best Magazine

MATABILni John Fontanilla ITINANGHAL na Outstanding Dance Group of the Year sa Best Magazine 6th Faces …

Alden Richards

Alden walang balak sumabak sa politika

MATABILni John Fontanilla KALIWA’T kanan ang alok sa  Asia’s Multimedia Star at Kapuso prime actor …

Samahan ng Mga Makasalanan SM City Caloocan

Mga Makasalanan dinumog

RATED Rni Rommel Gonzales JAMPACKED ang Mall Atrium ng SM City Caloocan last Saturday (March …