Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED R
ni Rommel Gonzales

SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super typhoon na si Kristine.

Pero bago pa man binulabog ni Kristine ang Pilipinas, naunang dumating sa bansa ang malakas ding bagyong si Carina na siyang dahilan ng pagkakatangay ng kotse ni Andre Yllana sa baha na dulot ng bagyong si Carina.

Honda Civic po, bigay ni daddy, ayun nag-feeling isda, nag-swimming siya,” umpisang kuwento sa amin ng guwapong binatang anak ng dating magkarelasyong Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Nakaparada po sa tapat ng bahay namin sa Fairview,” pagpapatuloy pang pahayag ni Andre. 

Bagong lipat po kasi kami roon sa village, hindi po namin alam na nagbabaha ng ganoon.

“So nagulat din po kaming lahat na ganoon po pala ‘yung area na iyon.”

Natutulog sa kuwarto si Andre nang lumangoy ang kanyang sasakyan sa tubig-baha.

Ginising na lang po ako na nakalutang na ‘yung kotse ko.”

Nakalubog daw hanggang manibela ang kotse niya na nakarapada sa dulong bahagi ng kalsada nila at nakarating sa mismong harap ng gate ng kanilang bahay.

Na-shock si Andre sa pangyayari.

Pagkagising ko po tumakbo ako agad pababa.”

Noong gabing kausap namin si Andre ay nasa talyer pa rin ang sasakyan niya at maaayos naman ang sasakyan pero ayon sa ina niyang si Aiko na naka-chat namin kamakailan  ay sira na ang naturang kotse.

Main cast member si Andre sa horror film na Pasahero.

Sa direksiyon ni Roman Perez Jr., ang Pasahero ay mula Viva Films, Viva Studio, JPHLiX Films, BLVCK Films, at Pelikula Indipendent.

Ang iba pang cast members sa pelikula  ay sina Louise delos Reyes, Yumi Garcia, Katya Santos, Mark Anthony Fernandez, Keann Johnson, Rafa Siguion-Reyna, Dani Zee, at Bea Binene.

Mula rin sa Viva Films, Viva Studio, at Happy Infinite Productions, Inc. ang Nanay, Tatay na kasali rin sa Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto na mula naman sa panulat at direksiyon ni Roni Benaid.

Kasali rin sa Sine Sindak horror film festival ang dalawang foreign horror film na The Thorn: One Sacred Night mula sa Indonesia at ang Japanese film na House Of Sayuri

Mapapanood ang entries sa Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto exclusively sa mga SM Cinemas, Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …