PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO ng malaganap na David’s Salon sa buong kapuluan.
Maraming beses na rin namin siyang nakatrabaho lalo na noong nasa Binibining Pilipinas Charities pa kami at ABS-CBN.
Makuwela at mahilig din sa marites-an ang mahusay na beauty and hair expert. Isa rin siya sa mahilig magtanong sa amin ng mga blind item lalo’t naging close rin sa amin ang kanyang partner sa buhay.
Here’s just sending our condolences sa mga naiwan ni sir David. Sa dami po ng inyong napaganda, literal na pisikal at natulungan sa buhay, magagandang alaala po ang inyong legasiya sa buhay ng mga Pinoy.
Rest in Peace po.