RATED R
ni Rommel Gonzales
KASUKLAM-SUKLAM si Bianca Tan bilang bully na si Brenda sa una niyang pelikula, ang Believe It Or Not? kaya tinanong namin ito kung sa tunay na buhay ay bully din o naging biktima ng pambu-bully?
“Sa totoong buhay po, hindi ko naman po masasabing nakapag-bully na ako, pero I’m also human so, mayroon din po akong mga downside, like kapag minsan, like mataray, mga ganoon po,” ani Bianca.
“I mean, hindi naman po ako bully.”
Siya ba ay nakaranas na ng bullying?
“Hindi po ako na-bully pero when I was in grade school, madalas po akong nabu-bully. Pero I have two sisters po so, sila ‘yung nagtatanggol sa akin.”
Paano siya na-bully noon sa elementary school?
“Parang inaasar lang po ako sa mga bagay-bagay ng mga kaklase ko noong grade school.”
Hindi naman daw matinding pambu-bully ang dinanas ni Bianca.
“Hindi naman po like physical, more on words po,” sambit pa ni Bianca.
Sa ngayon ay kasalukuyang nag-iikot at ipinapalabas ang kanilang pelikula sa mga eskuwelahan nationwide.