Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mariz Ronnie Ricketts therapy clinic

Mag-asawang Mariz at Ronnie aktibo sa pagtatayo ng therapy clinic

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY mga nagulat na pinasok ng mag-asawang Mariz at Ronnie Ricketts ang bago nilang negosyong PTXperts Orthopedic, Spine, & Sports Physical Therapy Clinic na nag-i-specialize sa orthopedic, spine, and sports physical therapy.

Ako naniniwala sa ganitong klaseng clinic therapy treatment, it’s about time we have it here,” ani Ronnie na nasa clinic once or twice a week. 

Ang therapy clinic ay pinamumunuan ang mga ekspertong medical professionals tulad nina Dr. Eugene Ketselman, Dr. Roly Dimol, Dr. Andrei Altavas, at Dr. Vladimir Camurungan na nakatatandang kapatid ni Mariz at mga business partners ng mag-asawa.

Tinanong namin si Ronnie kung ano sa tingin niya ang tsansa na mas dumami pa ang mga Filipinong tatangkilik sa ganitong uri ng serbisyong medikal.

“Alam mo, it’s funny, we’re already thinking of expanding sa South, kasi we feel that it’s really going to have a lot of people, kasi ito ‘yung hinahanap, especially me, ako bilang athlete, naghahanap ako ng alternative na puwede pang puntahan, eh.

“So ‘yung brother nga ni Mariz, sabi niya, ‘Bring it here’, so now it’s here and kanina if you were here, a lot of people came by and asked already, inquiring and there’s walking lines, patients coming in already.”

Matatagpuan sa Upper Ground Floor ng Victoria Sports Tower, sa EDSA ang therapy clinic na nagkaroon ng grand opening at blessings na dinaluhan ng mga celebrity friend ng mag-asawa tulad nina Sen. Jinggoy Estrada, Cong. Lani Mercado-Revilla, Ara Mina, Lindsay Custodio, Bianca Lapus, Marissa Sanchez, at Lovely Rivero.

Ang mga services offered ng PTXperts ay Physical Therapy for Spinal Conditions, Orthopedic Manual Physical Therapy, Mechanical Diagnosis and Therapy, Post-Surgical Physical Therapy (Hip, Knee, Shoulder, ACL, Rotator Cuff), Cardiovascular Conditioning Programs, Cranio-Mandibular Physical Therapy, Headache Management, at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …