Thursday , June 4 2026
Ogie Alcasid

Ogie may payo sa lahat ng local singers

MATABIL
ni John Fontanilla

MALALIM, malaman, at nag-iwan ng payo sa ilang locals singers sa bansa na ‘di dumadalo sa mga parangal ang thank you speech ni Ogie Alcasid nang tanggapin ang tropeo bilang  Male Recording Artist Of the Year sa 16th Star Awards for Music na ginanap sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City. 

“Sobrang important because binibigyan nilang pagpapahalaga ang musikang Filipino. So, bilang ako’y nakatatanda at pangulo ng OPM, it’s very important to be supportive [of the] music awards such as the Star  Awards. I’m honored and I’m thankful and grateful na ipinagpatuloy nila ang Star Awards [for] Music,” bahagi ng speech ng magaling na singer.

Marami ngang pumuri sa naging pahayag ni Ogie na dapat nga namang dumalo at suportahan ang award giving bodies na nagbibigay parangal sa kahusayan ng bawat artist, mapa-telebisyon, pelikula o musika man ‘yan.

Nakabibilib ang katulad nina Ogie, Gary Valencianp, Christian Bautista, Jed Madela, Kris Lawrence, at Gloc 9 na kahit sikat na sikat na at matagal na sa music industry ay nagbibigay pa rin ng pagpapahalaga at dumadalo sa mga parangal na ibinibigay sa kanila.

Magandang ehemplo naman ang mga baguhang singers na sina Mak, Flow G, at Maymay Entrata na dumadalo sa mga parangal na ibinibigay sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …