Tuesday , April 15 2025
Relief efforts ng GMA Kapuso Foundation patuloy na isinasagawa

Relief efforts ng GMA Kapuso Foundation patuloy na isinasagawa

RATED R
ni Rommel Gonzales

PATULOY ang relief efforts ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Kristine. At sa tulong ng Philippine Air Force at Malacañang ay nagawa na ring marating ng Kapuso Foundation ang ilang isolated areas na lubos na naapektuhan ng bagyo.

Noong October 26, nakapagpamahagi ng relief goods ang GMAKF sa Albay para sa tinatayang 4,000 indibidwal. 

Kinabukasan (October 27), nagtungo ang GMAKF sa Barangay Pantao sa Libon, Albay para hatiran ng tulong ang may 1,200 pamilya o 4,800 indibidwal. Isa ang baranggay na ito sa mga kasalukuyang isolated places dahil sa naranasang apat na landslides. 

Sa parehong araw, nagtulong-tulong ang mga sundalo, pulis, at residente ng Bula, Camarines Sur para magbigay ng relief goods sa mga apektadong pamilya. Nagkaroon naman ng feeding program sa Minalabac, Camarines Sur para sa 500 indibidwal. Samantala, ipinadala ng GMAKF ang mga donasyong pet food at vitamins sa isang animal rescue center sa Tabaco, Albay.

Tuloy-tuloy pa rin ang airlifting operations ngayong October 28 para maipamahagi pa ng GMAKF ang tatlong toneladang relief goods sa mga naninirahan sa mga liblib na lugar sa Albay. 

Naging kaagapay din ng Kapuso Foundation ang Cebu Pacific Air para makarating ang mga donasyon mula Maynila patungong Bicol International Airport sa Daraga, Albay.

Bukas ang GMA Kapuso Foundation sa mga nais magbigay ng donasyon. Maaaring mag-deposito sa mga bank account ng GMA Kapuso Foundation o magpadala sa Cebuana Lhuillier, at via online sa pamamagitan ng GCash, Shopee, Lazada, Globe Rewards, at Metrobank Credit Card.

About Rommel Gonzales

Check Also

Rhian Ramos

Rhian bumisita sa 7 simbahan sa Maynila

MATABILni John Fontanilla NGAYONG Holy Week ay inihatid ng programang Where In Manila, hosted by Rhian Ramos ang …

Marianne Bermundo Kyle Echarri

Kyle Echarri gustong makapareha ni Marianne Bermundo

MATABILni John Fontanilla SA pagpasok sa showbiz ng newbie teen actress  at beauty queen na …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Gela ‘di nakapaniwala kasama sina Gary at Marian sa isang endorsement

RATED Rni Rommel Gonzales SA tsikahan namin ni Gela Atayde sa Fresh International Buffet sa Solaire Resort …

Maricel Soriano

Maricel may spine arthritis kaya iika-ika maglakad

MA at PAni Rommel Placente ILANG araw din pinagpiyestahan ng ibang netizens ang kalagayan ni Maricel …