Sunday , April 6 2025
Alexa Miro Sandro Marcos Strange Frequencies Taiwan Killer Hospital

Fake news Cong Sandro producer ng movie ni Alexa

I-FLEX
ni Jun Nardo

UMUGONG bigla ang tsismis na si Congressman Sandro Marcos, anak ni President Bongbong Marcos, ang producer ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

Isa kasi sa bida sa movie ay ang aktres na si Alexa Miro na nali-link kay Cong. Marcos. Madalas kasing spotted ang dalawa sa gatherings. Pero walang pag-amin mula sa kanila, huh!

Bata pa lang si Alexa nang magsimula sa showbiz hanggang sa lumaki at nabigyan ng break sa movies gaya ng A Girl and A Guy at iba pa.

Muling naglabasan ang mga Marites nang maugnay kay Cong. Sandro at lumabas na ang tsismis na producer ito ng Strange Frequencies.

Pero fake news ang balitang ito dahil ang Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti ang producer ng movie. Hindi ang anak ni PBBM, huh.

Ang pelikula nga pala  ay adaptation ng Korean boxoffice hit na Gonjiam, Haunted Asylum na napapanood sa Netflix.

About Jun Nardo

Check Also

Lance Raymundo Ruru Madrid

Lance, Ruru matindi sagupaan/harapan 

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAPANOOD ngayon sa Lolong ng GMA ang actor/singer/host/influencer na si Lance Raymundo. “Sa ‘Lolong,’ para siyang …

Ruru Madrid Tessie Tomas Rowell Santiago Ketchup Eusebio

Ruru pinuri ni Ms Tessie; Rowell pasok sa Lolong  

RATED Rni Rommel Gonzales ISA si Tessie Tomas sa mga bagong mukhang mapapanood sa Lolong: Pangil ng Maynila. …

Maka

 MAKA may mahigit 200M views na 

RATED Rni Rommel Gonzales PATOK na patok sa panlasa ng mga Gen Z at ng …

Sparkle Prime Workshop

Sparkle Prime Workshops for Summer 2025 tuloy ang enrollment 

RATED Rni Rommel Gonzales MAAARI pang mag-enroll para sa Sparkle Prime Workshops na maraming exciting classes ang …

Kris Aquino

Kris nakahahabag sa sobrang kapayatan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ISA rin kami sa mga nagtataka kung bakit sa gitna ng …