RATED R
ni Rommel Gonzales
NA-STARSTRUCK si Jennica Garcia kay Sharon Cuneta.
Magkasama sila sa upcoming teleserye ng ABS-CBN, ang Saving Grace at puro papuri ang mga binitiwang salita ni Jennica sa Megastar.
“Kung minahal tayo ng mga tao sa ‘Dirty Linen’ bilang Lala, siguro po ngayon isusumpa na nila ako,” natawang wika ni Jennica.
Kamusta kaeeksena si Sharon?
“Naku, sobrang saya,” excited na pakli ni Jennica. “Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nauso ‘yung mga Megastar, Diamond Star, iba pala talaga.
“Mayroon silang… parang si Megastar parang mayroon siyang kasamang ring light.
“Parang sa Pinoy Henyo ang word na pinapahula sa kanya ‘respeto’, ‘yung parang kapag naglakad ka talagang mapapa-bow ka kasi iba, iba ‘yung elegance and makikita mo rin na she is the Megastar, because despite it all she continues to be humble talaga, grabe.”