Tuesday , October 15 2024
Will Ashley Balota

Will Ashley aariba ang career dahil sa Balota

RATED R
ni Rommel Gonzales

STAR STUDDED ang celebrity red carpet premiere ng pelikula ni Marian Rivera, ang Balota. Napakahusay ng pagkakaganap ni Marianin a deglamourized role bilang teacher na marumi at haggard dahil magdamag na na-stranded sa gubat para proteksiyonan ang bitbit niyang ballot box.

Nakatsikahan namin sandali ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes na excited dahil may theatrical showing na simula October 16 sa mga sinehan.

Unang napanood in a limited release ang pelikula sa nakaraang Cinemalaya Film Festival (na waging Best Actress si Marian) sa mga sinehan sa Ayala Malls Manila Bay nitong Agosto pero ngayon ay nationwide na ang showing.

Siyempre pa, bukod kay Marian, dumalo rin sa red carpet screening ang direktor ng pelikula na si Kip Oebanda gayundin sina Raheel Bhyria, Sassa Gurl, Marian, Esnyr Ranoll, at Will Ashley na ang galing-galing sa movie bilang anak ni Teacher Emmy na papel ni Marian.

Dapat kabahan ang ibang Kapuso actors na kaedad ni Will dahil malaki ang potensiyal na umariba pa nang husto ang career pagkatapos ng pelikula.

Dumalo rin sa screening bilang suporta ang mga Kapuso stars tulad nina Pokwang, Ivana Alawi, Mona Louise Rey, Nadine Samonte, Kristofer Martin, Kate Valdez, Fumiya Sankai, Kyline Alcantara, Kobe Paras, Jerald Napoles, Kim MolinaRuru Madrid at Bianca Umali.

Nasa event rin si Ms. Noreen Divina na may sariling pa-block screening sa katabing cinema na pinagdausan ng screening ng GMA.

Ibang klase rin ang friendship nina Marian at Noreen kaya naman laging nakasuporta ang huli sa kanilang prized Nailandia endorcer.

Dumalo rin si Jess Martinez na endorser naman ng Skinlandia ni Noreen at cast member ng Abot Kamay Na Pangarap with her manager Rams David and good friend din ni Marian, ang aktres na si Shyr Valdez.

About Rommel Gonzales

Check Also

Jonas Harina

Jonas Harina ng Quezon nude photos ikinalat daw ng karelasyon

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mga kumalat na sensitibong larawan ang Mr. Grand Philippines 2024 candidate na …

Zandro Go Sales, Jr

Zandro Sales ng Mandaluyong pagsilip ni junior isinisi sa maluwag na brief  

RATED Rni Rommel Gonzales ITINANGI ni Zandro Go Sales, Jr na sinadya niyang ipasilip, para pag-usapan, ang …

Charlie Dizon Janine Gutierrez

Kathryn, Janine, at Charlie, pinangunahan winners ng 26th Gawad PASADO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN nina Kathryn Bernardo, Charlie Dizon, at Janine Gutierrez ang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male starlet pinagpasasaan ni direk at ni produ

ni Ed de Leon HOY may tsismis, iyong isa raw male starlet na gumagawa ng gay series …

Cinema One Vivamax VMX

Dating brand manager ng Cinema One lumipat na ng Vivamax

HATAWANni Ed de Leon ANO pa nga ba ang aasahan mo sa ABS-CBN, pati pala iyong …