Monday , November 25 2024
Quezon City QC
Quezon City QC

Para sa May 2025 elections
MAMAMAHAYAG, KAPATAS, KUMASA VS QC MAYOR JOY

DALAWA ang magiging katunggali sa pagka-alkalde sa Quezon City ni incumbent Mayor Joy Belmonte sa midterm elections sa Mayo 2025.

Makakalaban ni Belmonte ang 63-anyos na si Diosdado Velasco, construction supervisor at/o kapatas  at ang dating mamamahayag na si Roland Jota.

Ito ang ‘ikatlong termino’ ni Jota bilang katunggali ng Alkalde.

Si Belmonte ay nag-file ng certificate of candidacy (COC) sa unang araw ng paghahain ng kandidatura nitong 1 Oktubre.

Ayon kay Velasco, dadagdagan umano niya ng 500 ang 142 barangays sa lungsod para matutukan ang malaking bilang ng mga residente sa pinakamalaking siyudad sa Metro Manila.

               Isang taxi driver na dating konsehal ng barangay sa District 5 na si Dante Villarta ang naghain naman ng COC para sa pagka-bise alkalde na ang makakalaban niya ay si incumbent  Vice Mayor Gian Sotto. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …