Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilma Doesnt Zoren Legaspi

Wilma ‘di naitago pagnanasa kay Zoren — Sana mai-guest tapos liligawan si dyosa

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL madalas silang magka-eksena sa Abot Kamay Na Pangarap, tinanong namin si Wilma Doesn’t kung paano kaeksena o katrabaho si Jillian Ward.

Ay bagets, ninang, inaanak ko, mahal ko, bata, bata pa siya, lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Nak, mahaba pa ang bibiyahehin mo!’”

Ina naman ni Analyn (Jillian) si Lyneth Santos na ginagampanan ni Carmina Villarroel.

Ay in fairness masarap siyang [Carmina] katrabaho kasi galante ‘yun eh,” at tumawa si Wilma, “at tsaka laging maraming pagkain.

Ang gusto ko kasi talaga above all eh makuha ‘yung asawa niya eh,” at muling humalakhak si Wilma.

May “wish” si Wilma tungkol sa mister ni Carmina na si Zoren Legaspi.

Sana mag-guest si Zoren tapos ang liligawan niya ay si Josa!”

Bakit hindi tutal si Lyneth naman ay may RJ sa katauhan ni Richard Yap.

“‘Di ba? Ang ganda siguro niyon, may bago na akong boyfriend,” kilig na kilig na tsika ni Wilma.

Gumaganap naman sa serye si Dina Bonnevie bilang si Giselle Tanyag, paano katrabaho si Dina?

Si Ms. D ‘pag tiningnan mo siya ‘di ba,” sabay muwestra ni Wilma ng nakataas ang noo at mukha na tila mataray, “ at saka matatakot ka talaga.”

May image sa showbiz si Dina na mataray.

At saka ang mga kuwentong naririnig ko dyusme, kaya bawal ma-late, huwag kang male-late.

“Huwag natin siyang bibigyan ng pagkakataong maimbiyerna sa atin.

“But Ms. D is a very, very lovable person. Ganoon talaga kasi iyon eh, ‘pag nakasama mo na siya sa dressing room, hindi siya papayag na ‘yung damit mo… mother.

“Hindi siya papayag na, ‘Uy ‘yung makeup mo, ‘yung buhok mo sa likod hindi pa ayos.’

“May ganoon siya, mother siya. May ganoon siya, Dina Bonnevie, that is Dina B. for us,” bulalas pa ni Wilma.

Kontrabida sa serye ang batikang aktres na si Pinky Amador bilang si Moira Tanyag/Morgana Go.

Ang ingay,” at tumawa si Wilma. “But I love Tita Pinky, I love Tita Pinky. Tita Pinky is a very, very… idea of ano siya, para sa akin siya ang epitome of a professional actor.

“Kasi kahit anong ipagawa mo sa kanya, regardless what time ‘pag kailangan hindi iyan magrereklamo.”

Finale episode na ng serye sa October 19.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …