Sa anumang pangangailangang pinansiyal, mula sa mga pang araw-araw na gastusin ng pamilya, pang matrikula para sa edukasyon ng mga anak at kapatid, pagpapadala ng regalo para sa mahahalagang okasyon, pagtanggap ng remittance mula abroad para sa pagpapatayo at pag-aayos ng bahay o pangdagdag puhunan sa negosyo, kaakibat ng sambayanan ang PalawanPay. Pinapadali ng app ang koneksyon ng mga pamilya sa loob at labas ng bansa, anumang oras, saan mang lugar.
Sa bawat pinansyal na transakyon ng mga Pilipino, maaasahan na katuwang ang PalawanPay, mula sa matatag at pinagkakatiwalaang Palawan Group of Companies, ang tanging e-wallet app sa bansa, na gawa ng pinoy para pinoy. Ang Palawan group ay 100% na Filipino Company.
Bilang pasasalamat sa mga suki at customers ng PalawanPay, inilunsad ng Palawan Group of Companies ang raffle promo na “Gawang Pinoy Para sa Pinoy”. Maaring manalo ang mga gumagamit ng PalawanPay ng 2 libreng bakasyon sa Palawan at Boracay, 2 NMAX na motorsiklo, PalawanPay credits, at Palawan Gold Bars!
Bukas ang promo na ito para sa lahat ng gumagamit ng PalawanPay na may edad 13 pataas. Para sumali, i-upgrade lang ang iyong account sa verified status, panatilihing aktibo ito at mag-cash in ng hindi bababa sa Php 500 mula Agosto 9 – Nobyembre 9, 2024. Pwede kang mag-cash in sa alinmang Palawan branch o outlet, o sa pamamagitan ng InstaPay.
Magagamit ang PalawanPay sa “pera padala” (send money), cash-in, cash-out, money transfers, online sangla renewal, pagclaim ng international remittance, gayundin sa pagbili ng mga gintong alahas at ProtekTODO micro-insurance. Magagamit din ang PalawanPay sa mga bayarin sa utilities, mobile load, ang pagbabayad sa mga tindahan at restaurant na may QRPh Code.
Para sa karagdagang detalye, bumisita sa https://www.palawanpay.com/promos.
Libreng mada-download ang PalawanPay app sa Apple Store, Huawei App Gallery, at Google Play Store