Monday , September 30 2024
Lovi Poe Guilty Pleasure

Lovi’s production nakipag-collab sa Regal

I-FLEX
ni Jun Nardo

BUWENAMANONG collaboration ng Regal Entertainment at Cest Lovi Production ni Lovi Poe ang coming movie ng Primera Aktres na Guilty Pleasure.

Tumatanaw ng utang na loob si Lovi sa Regal at kay Mother Lily Monteverde na unang nagtiwala sa kanya bilang artista.

Isang lawyer si Lovi sa movie na sina JM Guzman at Jameson Blake ang kanyang kapareha.

Eh pagdating naman sa unang international production ng film outfit, may ongoing project silang ginagawa ng asawa pero ayaw muna niyang magbigay ng detalye tungkol dito.

Natanong si Lovi kung nabayaran ba siya sa movie?

Wala siyang diretsong sagot. Sinabi lang niya na, “I am more on creative side.”

Memorable ang pelikula sa kanya dahil bago pumanaw ang manager na si Leo Dominguez, inaayos niyang mabuti ang kailangan niya rito.

Inalala ni Lovi na noong poster shoot niya sa movie, ‘yun ang araw na pumanaw si Leo kaya naman bago umalis, habang naliligo, pagsakay sa kotse at pumunta sa shoot ay umiiyak hanggang sa mamaga na ang mata niya.

I have to ask the help of my make up artist para matakpan ang namamaga kong mata dahil sa pag-iyak,” sabi ni Lovi.

Ang pagiging manager ni Leo ang isang malaking desisyon na ginawa ni Lovi dahil hindi siya pinabayaan mula nang pumasok siya sa showbiz hanggang sa bawian ng buhay!.

About Jun Nardo

Check Also

Arjo Atayde Isabel Sandoval MoonGlow

Moonglow nina Arjo at direk Isabel Sandoval kaabang-abang

RATED Rni Rommel Gonzales CHRISTMAS in September ang peg ng selebrasyon ang inialay ni Congressman Arjo …

Chanty Videla Lapillus Sandara Park

Chanty ng Lapillus proud na nakasabay si Sandara sa promo sa Korea

RATED Rni Rommel Gonzales BITBIT ng Filipino-Argentinian Chanty Videla ang watawat ng Pilipinas dahil siya ang nag-iisang …

MAKA GMA Public Affairs

MAKA pilot episode tinutukan

RATED Rni Rommel Gonzales GEN Z man o feeling Gen Z, hindi pinalagpas ang pagsisimula …

GMA Public Affairs humahataw online

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY talaga ang pamamayagpag ng GMA Public Affairs sa iba’t ibang platforms, kasama …

Samantha Panlilio Piolo Pascual

Beauty queen Samantha Panlilio type makatrabaho si Piolo 

I-FLEXni Jun Nardo PAPASUKIN ng beauty queen-businesswoman ang politics bilang Party List nominee. Sa isang …