Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun Fire

Kapitbahay maingay
1 KATAO PATAY, 2 TANOD SUGATAN NANG PAGBABARILIN SA PANINITA

PATAY ang 43-anyos lalaki habang sugatan ang dalawang tanod matapos pagbabarilin ng kapitbahay na sinita nila dahil sa ingay sa Barangay Sauyo, Quezon City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang napatay na biktima na si Pelagio Gatan Cabaddu, 43, checker, habang sugatan ang dalawang tanod na sina Ambrosio Paladan Bradecina, 47, at Cornelio Ramos Nuval, Jr., 57, pawang residente sa Barangay Sauyo, Quezon City.

Ang dalawang tanod ay patuloy pang ginagamot sa East Avenue Medical Center  at Quezon City General Hospital.

Agad tumakas ang mga suspek na kinilalang sina Ernie Carlin Tambaoan, nasa hustong gulang, at nakatira sa Blk 7 Lot 13 Baluyot, Brgy. Sauyo, at Ricardo Lucas, tubong Dagupan, Pangasinan.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 10:30 pm nitong Martes, 24 Setyembre, nang maganap ang insidente sa Block 9, Lot 14, Baluyot 2A, Brgy. Sauyo, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSgt. Nido Gevero, Jr., nagresponde sina Bradecina, Nuval at tatlo  pang kasamahang tanod kabilang ang saksing si Celenia Mandac matapos makatanggap ng reklamo na may nag-iingay Baluyot 2A, Brgy. Sauyo, sa lungsod.

Nang makarating sa lugar ang mga tanod ay galit silang kinompronta ng inireklamong suspek hanggang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila.

Dito ay kinompronta na rin ng tiyuhin ni Cabaddu na si Angel ang suspek na si Tambaoan pero sinakal siya nito.

Agad sinakloloan ni Cabaddu ang tiyuhin at sinuntok ang suspek ngunit bumunot ng baril ang kasamahan nitong si Lucas at pinuputakan si Cabaddu sa likod.

Pagkatapos ay nagmadaling sumakay si Lucas sa motorsiklong minamaneho ni Tambaoan upang tumakas.

Pero habang tumatakas ay pinaputukan ni Lucas ang dalawang humabol na tanod na sina Nuval at Bradecina.

Agad isinugod sa Bernardino Hospital si Cabaddu pero idineklarang dead on arrival ni Dr. Kim Racho dahil sa tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa likod, habang nagpapagaling pa ang dalawang tanod sa mga nabanggit na ospital na tinamaan sa likod at tagiliran.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang tinutugis ang mga nakatakas na suspek. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …