Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez

Teejay umaasang makakamit ni Sandro ang hustisya

RATED R
ni Rommel Gonzales

BILANG isang male star na hunk at guwapo, tinanong namin si Teejay Marquez kung ano ang naging reaksyon niya sa eskandalong kinasasangkutan ni Sandro Muhlach.

Nagulat ako na may ganoon,” pakli ni Teejay. “So… I mean sana, hopefully masolusyonan, sana kay Sandro, sana maka-cope up siya ng maayos at alam ko naman na ‘yung family niya nandiyan sa likod niya to support.

“And ‘yung mga tao, maraming taong nagmamahal sa kanya. So hopefully maka-recover siya rito and basta for me sana, I’m looking forward na maging maayos si Sandro.”

Ayon nga kay Teejay ay nagulat siya, ibig sabihin ba ay hindi siya kailanman nakaranas ng sexual harassment?

Hindi naman naranasan. So thankful naman ako na hindi ko naranasan.

“But… siyempre may mga indecent proposal, hindi mawawala iyan, mga attempt. Attempt I mean sa social media, not in person or physical. 

“So siguro thankful lang din ako na hindi ko na-experience kasi hindi ko rin sure na kung ma-experience ko siya kung ano ang magiging reaction ko.

“I mean thankful ako, kay Sandro… I mean, siguro, si Sandro kasi may family na nakasuporta, ako kasi laking lola lang ako, I mean I don’t know if ganoong suporta rin ang makukuha ko if ever nangyari sa akin iyon,” pahayag pa ni Teejay.

At least he has his family,” dagdag pang sinabi ni Teejay.

Bilang young Mayor Marcos Mamay ay mahaba ang papel ni Teejay sa Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story) na si Jeric Raval ang adult Marcos Mamay na mula sa pagiging ukay-ukay vendor ay mayor ngayon ng Nunungan, Lanao del Norte.

Nasa movie rin sina Polo Ravales, Ara Mina, Ali Forbes, Victor Neri, Julio Diaz, Devon Seron, Shiela Delgado, at Ron Angeles, sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …