Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Kelot patay, 2 sugatan sa saksak ng holdaper

ISANG lalaki ang napatay, at dalawa ang sugatan makaraang pagsasaksakin ng isang holdaper sa tapat mismo ng tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Christian Zorbito Dahes, 33, residente sa Dapitan St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Nakaratay at ginagamot sa Quezon City General Hospital ang mga biktimang sina John Aaron Kabigting, 16, residente sa Ma. Clara St., at Jonalyn Mazo Guerrero, 38, ng P. Florentino St., kapwa sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Samantala, naaresto ang suspek na kinilalang si  Arnel Abrasado Asoy, 31, nakatira sa Blk-36 Damayan St., Road 12 NDC Compound, Brgy. 626, Sta. Mesa, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong 11:00 pm nitong Miyerkoles sa harap ng tanggapan ng NBI sa  Maria Clara St., corner G. Araneta Avenue, Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Ayon sa saksing kinilala sa alyas na Eunice, nakita niyang pinagsasaksak ng suspek si Dahes at mabilis na tumakas dala ang balisong.

Nakasalubong ng suspek si Kabigting na kanyang hinoldap ngunit nanlaban at tumakbo ngunit sinundan pa rin ng suspek hanggang makorner at pinagsasaksak.

Dito sumaklolo ang biktimang si Guererro na tinangka rin holdapin ng suspek saka inundayan din ng saksak.

Nagkataong nagpapatrolya ang mga pulis na sina  P/MSG Mark Joseph Alonte at P/Cpl. Mark Anthony Bassig ng PS-1 QCPD sa lugar kaya naaresto ang suspek.

Inihahanda na ang isasampang kaso laban sa supek na si Asoy. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …