Wednesday , April 2 2025
30th Abu Dhabi International Chess Festival

Quizon pumuwesto sa ika-6 sa Abu Dhabi, nakakuha ng GM norms

PINABAGSAK ni Filipino International Master Daniel Maravilla Quizon (2457) si Indian Grandmaster Narayanan, SL ( 2649) upang umiskor ng 7 punto sa 9 rounds at makisalo sa unahang puwesto sa katatapos na 30th Abu Dhabi International Chess Festival – Masters na ginanap sa St. Regis Abu Dhabi Corniche Hotel sa United Arab Emirates noong Sabado, 24 Agosto 2024.

Napunta siya sa 6th place pagkatapos ng tie break.

Nagtapos ang atleta ng Dasmariñas na may pitong panalo at dalawang talo matapos ang siyam na round sa isa sa pinakamahirap na torneong sinalihan ni Quizon.

Tinitingnan na paborable ang pagtatapos ni Quizon na nalagay sa ikaanim na puwesto kasama ang limang iba pang kalahok pagkatapos ng ika-siyam na round, na kinabibilangan ng nagkampeon na si Grandmaster Yakubboev Nodirbek ng Uzbekistan, 2nd place Grandmaster David Paravyan ng Russia, 3rd place Grandmaster  Shamsiddin Vokhidov ng Uzbekistan, 4th place Grandmaster Leon Luke Mendonca ng India, at 5th place Grandmaster M. Amin Tabatabaei ng Iran.

Nag-rate si Quizon ng 2457,  may performance rating na 2749 tinalo ang apat na malalakas na GM. Nakakuha siya ng karagdagang rating na 33.3 at kailangan lang na itaas ang kanyang rating sa 2500 para maging bagong Grandmaster ng bansa. Umangat siya sa 2490 mula 2457. Nakakuha rin siya ng GM resuts o GM norms para sa kanyang mga pagsisikap.

“We tried to bring home the bacon however after the ninth round, when the tie break rules were applied, natalo tayo sa tie break. Pero I am happy with my performance at nag-gain tayo ng Elo rating points at ng panibagong GM results,” sabi ng 20-anyos child prodigy na suportado ang kampanya nina Mayor Jenny Barzaga, Coun. Kiko Barzaga, at national coach FIDE Master Roel Abelgas.

Si Quizon ay bahagi ng Philippine team sa FIDE World Chess Olympiad sa Budapest, Hungary sa 10-22 Setyembre 2024.

Ang iba pang miyembro ng team ay sina GMs Julio Catalino Sadorra at John Paul Gomez; at IMs Paolo Bersamina at Jan Emmanuel Garcia. Si GM Eugene Torre ang magsisilbing coach.

Matatandaan na si Quizon ay sariwa pa sa pagkapanalo sa PCAP Champions Tour na ginanap sa bago at marangyang South Wing Atrium ng Greenhills Shopping Mall noong Hulyo. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

PNVF Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Second Nuvali Open

Ilulunsad ng PNVF ang Rebisco AVC Beach Volleyball Tournament sa Nuvali

Babalik ang aksyon sa Lungsod ng Santa Rosa sa Nuvali Sand Courts ng Ayala Land …

Battle of Calendrical Savants sa Abril 9

‘Battle of Calendrical Savants’ sa Abril 9

TALASAN ng isip ang matutunghayan ng sambayanan sa pagsabak ng mahigit 10 henyo sa ‘Battle …

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

1st TOTOPOL International Veterans Table Tennis Invitational sa Ayala Malls 30th

Asahan ang mga kapanapanabik na aksyon sa paglalaro ng mga premayadong beteranong table tennis netters …

Tats Suzara Alas Pilipinas womens volleyball

Alas Pilipinas Women’s 33 wish lists inimbitahan sa tryouts – Suzara

TATLONGPU’T tatlong mga prospect—kabilang na ang 15 kasalukuyang miyembro ng Alas Pilipinas—ang iimbitahan sa isang …

Alex Eala

Sa WTA Miami Open   
19-ANYOS PINAY WILD CARD GINAPI  WORLD NO. 2, 5 GRAND SLAM CHAMP

ni MARLON BERNARDINO NAGBUNYI ang Filipino sports enthutiasts nang pumasok sa semi finals round ng …