Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hazel Calawod Carlos Yulo

Coach Hazel sa likod ng 2 gintong medalya ni champ Carlos Yulo

MARAMI ang humanga sa sports occupational therapist na si Hazel Calawod, na isa sa mga gumabay kay Carlos “Caloy” Yulo at may mahalagang papel sa tagumpay ng isa sa ipinagbubunying manlalarong Pinoy na sumungkit ng dalawang medalyang ginto sa katatapos na 2024 Paris Olympics.

               Sabi nga nila, ang tunay na “lucky charm” ni Caloy ay si Coach Hazel.

               Ayon sa isang post sa social media artistahin sa ganda si Coach Hazel at bigatin ang profile kaya hindi imposibleng makasungkit ng gintong medalya ang kanyang ginagabayan.

               Nabatid na si Lyn Hazel Calawod ay nag-aral sa Koronadal City, at siya ay naging Salutatorian sa Notre Dame-Sienna School of Marbel. Seryoso sa kanyang pag-aaral si Coach Hazel, kaya hindi nakapagtatakang makapasok siya sa University of the Philippines – Diliman, at nagtapos ng kursong B.S. in Occupational Therapy noong 2010.

Hindi dito nagwakas ang paghahangad sa kaalaman ni Coach Hazel. Nagpatuloy siya ng pag-aaral at kumuha ng espesyalisasyon sa Environmental Home Modifications and Ergonomics sa Occupational Therapy Australia at Harvard T.H. Chan School of Public Health. Ang mga karagdagang kalipikasyon na ito ay higit na nagpayaman sa kanyang expertise at lalong nagdagdag ng commitment para sa kahusayan.

Sa kabuuan, ang educational background ni Coach Hazel ay kakikitaan ng kasipagan at pagnanais para magpaunlad ng buhay sa pamamagitan ng therapy at innovation. 

Tinututukan ni Coach Hazel, hindi lang ang pisikal kundi pati na rin ang mental na aspekto ng pagiging atleta. Para sa kanya, ang mental na kalagayan ng isang atleta ang susi sa tagumpay.

Bukod kay Carlos, tinutulungan din niya ang iba pang mga atleta at E-Sports team.

(Mga retrato mula kay Hazel Calawod, One Sport, at iba pa.)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …