Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda

Vice Ganda pumalag sa mga quote na iniuugnay sa kanya — Hindi lahat ng nababasa niyo na nakapangalan sa akin ay totoo

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA ang kambal ni Aga Muhlach na si Atasha na biktima ngayon ng fake news sa social media.

Ayon sa pagkalat ng ilang vlogs, sinasabing nabuntis daw ni Pasig City Mayor Vico Sotto si Atasha, TV host at Eat Bulaga Dabarkads.

Mismong si Atasha na ang nagsabing fake news ang balita base sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa Youtube channel nito.

“Nagtataka rin ako. Hindi ko alam ‘yun kasi unang-una hindi pa po kami nagkikita,” sabi ni Atasha.

Sabi naman ni Mama Ogs, “So in other words, ‘yun pong mga pinapanood ninyo na kaagad-agad napaniwalaan ninyo, mga fake news po ‘yan.

“Dahil usong-uso po ‘yan sa YoTube, ‘yung mga nag-iimbento ng mga balita, tapos wala naman silang sources,” aniya pa.

Samantala, nagbigay din ng paalala at warning ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa patuloy na pagpapakalat ng fake news sa pamamagitan ng socmed.

Sa isang episode ng EXpecially For You ng It’s Showtime, na sumalang ang dating magdyowang sina CJ at Zach ay naibahagi nilang nakare-relate sila sa mga inspirational quotes na nababasa nila sa social media.

Sabi ng searcher na si CJ, ilan sa mga nabasa niyang inspirational quotes sa socmed ay galing daw mismo kay Vice Ganda.

Kasunod nga nito ay nagsalita si Vice at nagpaliwanag tungkol sa mga quote na nakapangalan sa kanya na ang iba’y hindi naman talaga niya sinabi o ipinost.

Ito ang pagkakamali ng marami. Katulad ng mga nababasa n’yo na quote tungkol sa akin, by the way hindi lahat ng mga nababasa ninyong quote sa Facebook ay totoong nanggaling sa akin,” paglilinaw ni Vice.

Ang dami kong nababasa na Vice Ganda quote…kailan ko ‘to sinabi, kailan ko ito na tweet? Tatawag pa ako sa social media team ko, ‘na tweet ko ba to?’

“‘Check niyo nga bakit ganito?’ Tapos sasabihin nila ‘fake yan teh,’ tapos makikita mo ang daming comments,” paglilinaw pa ni Vice.

Tapos ‘yung comment ko sa lahat ng issues, (napapaisip ako) nag-comment ba ako riyan? Nag-comment ba ako kay Dennis Trillo? ‘Yung ganoon, iyon ang dami talaga.

“Hindi lahat ng nababasa niyong qoute na nakalagay ay Vice Ganda totoo po ‘yun, kaya bahala po kayo kung gusto niyong magpaniwala,” sey pa ng misis ni Ion Perez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …