Wednesday , January 15 2025
Marian Rivera Balota Cinemalaya

Marian inabangan sa Balota Gala Night

RATED R
ni Rommel Gonzales

GINANAP noong Linggo, August 4, sa  Ayala Malls Manila Bay ang Gala night at Talk Back Session ng Cinemalaya full-length film entry na Balota na pinagbibidahan ni Marian Rivera. Nagsama-sama rito ang cast at crew ng pelikula na ipinrodyus ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group.

Marami ang nag-abang na mapanood si Marian at kung paano niya binigyang-buhay ang karakter bilang Teacher Emmy. Ilang screenings na nga ang sold-out matapos ang opening ng Cinemalaya.

Ang pelikula ay isa sa mga offering ng GMA Network sa Cinemalaya para sa taong ito. Mula ito sa panulat at direksiyon ni Kip Oebanda. Sa gala night ay ibinahagi ni Direk Kip na malaki ang pasasalamat niya sa GMA Network dahil hinayaan siyang maipahayag ang pelikula gamit ang boses niya. Aniya, “Kahit na mainstream studio sila, hindi nila pinakialaman ‘yung script, ‘di nila pinakialaman ‘yung cut, inirespeto nila ‘yung voice ng direktor, kahit na may kagat at risk ang materyal na ito.”

Kasama sa mga cast na dumalo sina Wil Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Sassa Gurl, Esnyr, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, at Sue Prado. Present naman ang Kapuso stars na sina Glaiza De Castro, Boobay, Gabby Eigenmann, Kokoy de Santos, at Dingdong Dantespara magbigay ng suporta sa pelikula.

Sa talk back session ay ibinahagi naman ni Marian ang mensaheng nais ipahatid ng pelikula: “Ang pelikulang ‘Balota’ ay wake up call para sa atin. Kaya nga sabi ni Teacher Emmy ‘Sa araw na ito malakas ang boses ko, at pinakikinggan ako,’ sana ma-realize ng mga tao ‘yun.”

Mapapanood ang pelikula sa mga piling sinehang bahagi ng Cinemalaya Festival hanggang August 11.

About Rommel Gonzales

Check Also

Arrest Caloocan

2 holdaper timbog sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang hinihinalang holdaper sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa 8th Ave., …

Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, …

Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon …

011425 Hataw Frontpage

4-ANYOS NENE, AMA NATAGPUANG PATAY SA ISANG MAKATI CONDO  
Murder-suicide tinitingnang anggulo

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …