Saturday , December 21 2024

Buwagin ang PAGCOR, matigas ang ulo

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

LOADED ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Totoo, loaded ito ng sandamakmak na BS, at hindi ito basta na lang palalampasin ni Senator Koko Pimentel. Nagbanta pa nga siyang maghahain ng panukala na magbubuwag sa ahensiya mula sa pagiging bahagi ng gobyerno.

Sino ang hindi madidismaya o magagalit sa PAGCOR matapos nitong hayagang baligtarin ang utos ng Presidente sa State of the Nation Address noong nakaraang linggo: “I am ordering the ban of POGOs in the country.”

Anong klase ng tanga ang hindi makakaintindi sa sinabi ng Pangulo? Ang siste kasi, hindi naman sa walang silbi ang PAGCOR. Sinasadya lang yata talaga nitong huwag sumunod.

Nagbanta si Pimentel, ang Senate minority leader, na kung hindi tatalima ang PAGCOR sa direktiba ng Pangulo na isara ang lahat ng Philippine offshore gaming operators (POGOs), ipupursige niya ang pagbuwag sa korporasyon.

Sa totoo lang, anong palusot ng PAGCOR para hindi sundin ang marching orders ng Punong Ehekutibo? Akala yata ng kasalukuyang liderato ng PAGCOR ay untouchables sila. Bakit naman kaya, ‘ika n’yo?

Mabibigyang-diin tuloy dito ang naunang suspetsa ng ilan na ang ilang POGOs, na ikinokonsidera ng PAGCOR bilang lehitimo, ay nangongolekta para sa pondo ng mga makakapangyarihan at maiimpluwensiyang indibiduwal na kakandidato sa mid-term elections sa susunod na taon.

POGO is POGO

Ang interesante, sinabi ni Pimentel na posibleng pagtangkaan ng PAGCOR na huwag tumalima sa direktiba sa pangangatwiran na ang deklarasyon ng Presidente sa SONA nito ay para lamang sa mga POGOs at hindi sa mga internet gaming licensees (IGLs).

Aba, teka lang muna! Kelan pa ginamit ng PAGCOR ang terminong IGLs para sa mga establisimyentong sangkot sa offshore gaming na awtorisadong mag-operate sa bansa — simula ba noong maging kumbinyente ito para pagtakpan ang POGO?

Inakusahan ni Pimentel ang PAGCOR ng pagtatangkang lituhin ang konteksto sa pagpapalit ng pangalan sa POGOs bilang mga IGLs, nagbanta na ang mga ganoong taktika ay magpapaigting lamang sa pagmamanman at imbestigasyon laban sa kanila.

Gayundin naman, walang karapatan ang PAGCOR na makiusap na i-exempt sa nationwide ban ang 12 sa 43 kumpanya ng POGO sa bansa.

Alang-alang sa transparency, dapat pa ngang pangalanan ng PAGCOR ang “Magic 12” POGOs na nais nitong protektahan at isalba. Ano ang espesyal sa kanila?

Ang POGO ay POGO.

May isang apela lang ang Firing Line sa matigas ang ulo na government-operated and controlled corporation (GOCC) na ito: istriktong tumalima sa ipinag-utos ng Presidente! Kung hindi, ipanawagan natin sa Senado na ipawalang-bisa ang decree na nagtatag sa PAGCOR at sa loose-cannon POGO authorizations nito sa bansa.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …