Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kelley Day

Kelley Day pinaghahandaan pagsali sa Binibining Pilipinas 

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAPOS manalo bilang Miss Eco International 1st Runner 2021 na ginanap sa Egypt, balak muling sumabak sa beauty pageant ang newest addition sa mga alaga ni Len Carillo ng 3:16 Media Networksna si Kelley Day.

Sa pagbabalik pageant ni Kelley, mas gusto nitong sumali sa Binibining Pilipinas next year at masungkit ang Binibining International Crown at mai-represent ang Pilipinas sa Miss Internationalpageant.

“I like Miss International crown if i join Binibining Pilipinas.

Twenty seven na ako, sa Miss Universe walang age limit pero sa Binibining Pilipinas bale next year is my last.

“So I think i’ll prioritize Binibini (Binibining Pilipinas). Actually gusto ko rin ‘yung Binibini crown,” tsika ni Kelley nang makahuntahan namin ito isang gabi.

Sa Miss Universe Philippines balak mo

rin bang sumali, tanong namin. “Mahirap, I mean it’s really like you have to, now a days, you need a lot more time to commit.

“You need  a lot  of financial support with that. I mean you really have to be sure na your’re ready na,” sabi pa ng magandang dalaga.

Bukod sa pagbabalik-showbiz nito after mamahinga ng ilang taon dahil sa sakit ay handang-handa na itong tumanggap ng proyekto, mapa-pelikula o teleserye.

Masaya rin si Kelley na maging part ng 3: 16 Media Networks at Viva Talent Management   at very thankful sa kanyang bagong manager na si Len.

Sa ngayon ay may mga pinag-uusapan na silang proyekto na nakatakdang gawin ngayong taon na kapag okey na okey na ay ibabalita ni Kelley sa mga susunod na araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Arci Munoz Kang Donggun Rommel Ricafort

Direk Rommel Ricafort thankful sa Sinag Maynila, Arci Munoz at Korean actor na si Kang Donggun, tampok sa Sweet Escape

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILIB si Direk Rommel Ricafort sa lead stars na sina Arci Munoz at Kang …

Robb Guinto Yasser Mata

Yasser at Robb ‘nagkaigihan‘ sa nagbabagang eksena: roon ako nahulog sa kanya

ni Allan Sancon HINDI nagpaka-plastik si Yasser Marta sa pag-amin na ibang level ang pinagdaanan niya sa …

Yul Servo

Yul at Direk Lav Diaz may reunion movie: ang tanda ko na, akala ko wala nang kukuha sa akin

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG makakuwentuhan ko sa AIFFA (Asean International Film Festival & Awards) si direk Lav Diaz, …

Queenay Mercado Rhian Ramos Glaiza De Castro

Queenay Mercado mahusay magpatawa at magdrama

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang Batanguen̈ang young star na si Queenay Mercado na kasama sa pelikulang I fell, …

Robb Guinto Yasser Mata Desperada

Mhack Morales ‘di nagpatalbog kina Yasser at Robb

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ng isa sa lead actor ng pelikulang Desperada na si Mhack Morales sa …