Saturday , December 21 2024

Paghihintay sa SONA

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa Lunes, 22 Hulyo. Para sa mga hindi interesado at dedma sa Punong Ehekutibo, mag-isip-isip kayong muli.

Hindi ko sinasabing sumang-ayon tayong lahat kay Mr. Marcos. Totoong matitinding pagsubok ang hinaharap ng ating bansa ngayon, at ang matamang pakikinig natin sa kanyang ilalahad sa State of the Nation Address (SONA) ay mas higit na pagpapakita ng ating pag-aalala para sa ating bansa kaysa pagpapamalas ng ating magkakaibang paniniwalang politikal.

Karapat-dapat lang para sa atin at sa ating mga pamilya na malaman kung ano ang aktuwal at kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa mula mismo sa itinalaga natin upang magpasya para sa ating bayan: Mga bagong batas? Pagbabago sa halaga ng taripa? Gera?

Ang ilalahad na SONA ay higit na tungkol sa atin kaysa tungkol sa taong nagsasalita para sa ating gobyerno. Kung totoong may malasakit tayo sa ating bayan, sa tinatahak nitong direksiyon, at sa ating kinabukasan, dapat lang na paglaanan natin ng panahon na mapakinggan ang ating Presidente.

Ang ‘designated survivor’

Ganito rin ang inaasahan ko mula kay Vice President Sara Duterte-Carpio. Sa totoo lang, nakatulong siya upang mahalal ang Pangulo. At hanggang nitong nakaraang buwan, bahagi siya ng Gabinete na nagpapatakbo sa bansang ito.

Ang mga hakbangin niyang politikal palayo mula sa grupo ng mga pinagkakatiwalaan ni Mr. Bongbong Marcos ay hindi nagbibigay sa kanya ng exemption sa pakikinig ng SONA – siya pa rin naman ang VP, ‘di ba?

Pero kung mayroon mang nakababahala ay iyong sinabi niya sa panayam sa kanya ng GMA Regional TV interview sa Davao City nitong Huwebes, hindi lang siya hindi dadalo sa SONA; itinalaga rin niya ang kanyang sarili bilang ‘designated survivor.’

Para sa mga hindi pamilyar sa terminong ‘designated survivor,’ tumutukoy ito sa isang mataas na opisyal ng gobyerno na sadyang pinananatiling ligtas at iniiwas sa mga pagtitipon-tipon ng pinakamatataas na opisyal, sa pangunguna ng Presidente, para sakaling magkaroon ng trahedya — gaya ng pambobomba o lindol — na nagbunsod upang hindi magampanan ng mga opisyal na ito ang tungkulin nila sa pamahalaan, ang ‘designated survivor’ ang mamumuno para sa kanilang mamamayan.

               Hindi ba parang nakatatakot na si Inday Sara ay binabalewala o ginagawang biro ang mga ganoong pangitain sa pagdedeklara sa kanyang sarili bilang designated survivor? Bakit, may inaasahan ba siyang trahedya na nakaambang mangyari at magiging dahilan upang hindi magampanan ni Mr. Marcos at ng iba pang matataas na opisyal ang kani-kanilang tungkulin?

Marahil dapat lang na iklaro niya ang kanyang naging pahayag, para sa kapakanan na rin ng publiko.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …