Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beach Tennis, patok sa mga artista!

INTERESTING itong bagong kinahuhumalingang sports ng mga artista, ang  Beach Tennis. Napag-alaman kong mabilis na sumisikat ang lorong ito sa buong mundo na isang uri ng competitive sport na ngayon ngayon nga’y nasa Pilipinas na rin.

Ito palang beach tennis ay maihahambing sa larong tennis, beach volleyball, at badminton dahil  kombinasyon ito ng aksiyon at kasiyahan ng isang competitive sport sa ilalim ng araw at sa tabing dagat.

Bale unang naidokumento na unang nilaro noong taong 2000 sa Caribbean Island ng Aruba, ang beach tennis ay idineklarang isang uri ng propesyonal na paligsahan ng International Tennis Federation (ITF) noong 2008. Mula noon, ito ay naging popular sa mga atleta at mga manlalaro at nagsimulang magkaroon ng mga liga, torneo, at mga social events sa mga bansa at lugar tulad ng Italy, Russia, Brazil, Mexico, California, New York, Australia, Japan at marami pang iba.

And this year, makikita na ito sa atin dahil ang mga Filipino ay magkakaroon na ng pagkakataon na maranasan ang kakaibang kasiyahan at excitement na hatid ng beach tennis games dahil gaganapin na ang pinaka-unang Beach Tennis Invitational Celebrity Cup sa mala-paraisong isla ng Boracay sa Aklan.

Magkakaroon din ng mga beach tennis clinics na idaraos sa iba’t ibang probinsiya upang sanayin at ihanda ang mga manlalaro mula sa media, showbiz industry, sa mundo ng sports at advertising para sa opisyal na palaro.

Kahit sa maagang pagpaplano ng mga kaganapan, ang bagong sport na ito ay umaani na agad ng ingay at interes mula sa publiko. Ang organizer ng mga nabanggit na events ay ang CDL Entertainment Productions sa pamumuno ng aktres na si Lotlot de Leon na ang hangarin ay maihanay ang beach tennis sa larangan ng mga palarong pambansa sa Pilipinas.

Ayon kay Lotlot, “Tayo ay masuwerte sa pagkakaroon ng mga magagandang karagatan at likas na pagkahilig sa pagpunta sa mga dalampasigan, kaya ang ating bansa ay mainam na lokasyon para sa beach tennis.

“Ang larong ito ay umaayon sa ating pagkahilig sa sports, physical challenge, competitiveness at recreational fun kaya karamihan sa mga naglalaro nito ay nawiwili sa beach tennis. Ito rin ay mainam na paraan para maging malusog ang katawan habang ninanamnam ang sikat ng araw.

“Kaya tiyak na magugustuhan ng maraming beach tennis sa sandaling matutuhan nila ang paglalaro nito.”

Dahil ang beach tennis ay isang uri ng combination sport, doble ang kasiyahan o kagalakan na makukuha mula rito. Ang beach tennis ay laro na ang bola ay kailangang manatili sa ere at hindi babagsak sa buhangin.  Ito ay nilalaro sa isang volleyball court sa buhangin at kailangan ang paggamit ng isang naiibang uri ng raketa at de-pressurized tennis balls.

Ang scoring system ay katulad ng sistema ng ordinaryong larong tennis maliban sa permanenteng paggamit ng “no-advantage, after deuce” at “no second service”. Ang mga detalyadong patakaran ng laro ay matatagpuan sa official website ng ITF.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa Beach Tennis Invitational Celebrity Cup, at sa Beach Tennis Clinics, maaaring tumawag sa CDL Entertainment Productions at 0927-9701919.

Ang CDL Entertainment Productions ay isang kompanya na aktibong namamahala ng events marketing at talent management, upang magbigay-daan sa pagsasanib ng corporate sectors at ng entertainment industry.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …