Tuesday , December 31 2024
Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ na lang dahil sa rami ng fake news na ginagawa ng ilang indibiduwal at mga grupo ngunit  tila kapansin-pansin ang pagsasawalang bahala ng gobyerno.

Noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr., ang daming ipinasarang mga diyaryo na bumabatikos sa kanyang administrasyon at idineklara ang Martial Law. Pero ngayon hayagan na ang mga batikos at mabilis na kumakalat sa buong mundo dahil matutunghayan sa social media. Bingi at bulag ba talaga ang gobyerno?!

Maging sa larangan ng showbiz, kung dati ‘pag sinabing intriga lang, maraming ‘di naniniwala ngayon ‘pag nakita at nabasa sa social media lalo na kung ito ay makasisira sa iyong pagkatao, okey lang.

Samantala, noong bago pa lang ang Facebook bawal ang magmura at magsalita ng hindi sa tama dahil  bigla na lang sususpendihin ang FB account. Pero ngayon hindi na namo-monitor (?) dahil sangkatutak na rin ang mga scammer.

Lalo pa ngayong nalalapit na ang filing of candidacy para sa 2025 local elections sa larangan ng politika, mga bulgaran ng mga katiwalian na ang iba ay walang imbestigasyon basta na lang ine-expose sa social media.

Siguro ang sagot dito ay kung may hidden bulok ka, ‘wag ka na tumakbo dahil ultimo kaloob-looban ng bituka mo, hahalukayin ng tao.

Dahil apektado ang mga diyaryo at bilang na lang ang sirkulasyon dahil sa social media, mga balitang totoo at hindi totoo sa social media mo na makikita at mababasa.

Nakalulungkot dahil ang pambansang kataga ngayon ay ‘MARITES’ na ibig sabihin ay “mare ano ang latest!”

Sa lungsod ng Las Piñas, may mga ipinasang ordinansa na dapat ay mabasa at isapubliko bagama’t may batas na kailangan at i-publish sa mga pahayagan na for publication bago magkaroon ng implementasyon pero hindi ginagawa kahit mahigpit na ipinagbabawal gayong ang mga ordinansang ‘yan ay dumaan sa public hearing.

Sinasabi sa batas na dapat i-publish sa mga pahayagan. Pero ‘di ginagawa ng Sangguniang Panlungsod.

Sabi ni Presiding Officer Vice-Mayor April Aguilar-Nery, wala raw sapat na pondong pambayad sa publications ng mga ipinasang ordinansa. Nasaan ang pondo?

Noong administrasyon ni dating Mayor Nene Aguilar at ang Presiding Officer ay si dating Vice-Mayor Louie Bustamante ay may nakalaang pondo para sa publications at sa mga pahayagan na siyang ginagawa ng ibang lokal na pamahalaan bukod tangi lang ang siyudad ng Las Piñas.

Well, hintayin na lang natin kung may pagbabago sa 2025 at kung mapapalitan ang mga nakaupo ngayon, ‘yung may alam sa BATAS!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …