Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ryza Cenon Bald Kalbo

Ryza bucket list ang pagpapakalbo

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMI ang nagulat nang ibandera ni Ryza Cenon sa social media ang kanyang mga litrato na kalbo siya.

Sabi ng aktres, hindi naging big deal sa kanya ang magpakalbo na kailangan sa magiging role niya sa bagong pelikulang gagawin.

Sa nakaraang episode ng Dapat Alam Mo! na napapanood sa GTV, nakapanayam ng host nitong si Kim Atienza si Ryza at isa nga sa napag-usapan nila ay ang kanyang pagpapakalbo.

“Noong nag-look test kami tapos nakita ko po kasi ‘yung bald cap namin, hindi ako convinced. And then nag-script reading kami, roon ko nabubuo ‘yung character ko. And then na-realize ko na parang, kailangan ko siyang gawin, gusto ko siyang gawin. Mabubuo ‘yung character ko na gagawin ko siya eh,”sabi ni Ryza.

Ang tinutukoy ni Ryza na pelikula ay ang upcoming horror film na Lilim mula sa direksiyon ni Mikhail Red.

Dito, gagampanan niya ang karakter ni Helena, isang miyembro ng kulto at madre na sumasamba sa demonyong si Lilith.

Natanong ni Kuya Kim si Ryza kung nahirapan ba siyang magdesisyon na magpakalbo? 

Sa akin naman po hindi siya big deal eh, sa akin lang.

“Para sa akin, ang hair naman, tumutubo naman kasi siya, bumabalik naman siya. At saka pangarap ko na maging kalbo.

“Nasa bucket list ko po ‘yan, magpakalbo. Kapag nabuntis ako, magpapakalbo ako,” aniya pa.

Nagbiro pa si Ryza na kalbo rin ang kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz pati na ang kanilang baby, “So tatlong itlog po kami. Ha-hahaha!”

Pero agad namang sinabi ni Ryza na nirerespeto niya ang mga babaeng grabe ang pagpapahalaga at pag-aalaga sa kanilang hair.

Kasi ako po para sa akin, nakaya ko ngang magpakalbo. Sa akin, hindi siya ganoon talaga kahalaga.

“Pero I think sa mga babae, may mga kilala ako na friend ko na mahalaga sa kanila ang hair, sobra. Kasi kaunting trim lang, umiiyak na sila,” sey pa ni Ryza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …