Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ian pang-tita, nanay, lola ang market—sila nga ‘yung discerning ones, so I appreciate it

SA guesting ni Ian Veneracion sa Fast Talk With Boy Abunda, isang big NO ang sagot niya  nang tanungin kung payag ba siyang mag-frontal nudity sa isang acting project.

Sey ni Ian, hindi talaga niya keri ang maghubad sa harap ng mga camera, lalo na ang pagpapakita ng private parts. 

“Because hindi ako comfortable sa katawan ko. Pero the artist in me would say, ‘Of course, why not?’ But again, being me, No!,” sabi ni Ian.

In fairness, kahit medyo nagkakaedad na si Ian, napakarami pa ring kinikilig at nagpapantasya sa kanya, kabilang na riyan ang mga bading at matrona.

Sey ng aktor, hindi siya takot na tumanda sabay turo sa kanyang bigote at balbas, “Kapag pumuti na lahat ito, feeling ko, gagayahin ko na si George Clooney o si Phil Jackson.

“I just feel it adds character. Even wrinkles,” aniya pa.

Tungkol naman sa isyu ng indecent proposal, inamin ng 49-anyos na aktor na mayroon 

din siyang natatanggap na offer, “Directly, no. Hindi diretso. Mga pahapyaw siguro pero directly wala.

“Kung sakali man, I would appreciate the honesty. I would say, ‘Thank you for being straightforward, but no.’ Kumbaga, I’m not selling that service,” sey ng aktor.

Flattered at natutuwa rin siya kapag may nagsasabing karamihan sa mga supporter niya ngayon ay mga tita, nanay, at lola na.

“I’m always being teased about na my market are the titas and the lolas. I am really proud to have my army of titas and lolas behind me.

“Parang sinasabi ko, sila nga ‘yung discerning ones, so I appreciate it. I’m really proud of them,” sabi pa ni Ian.

Samantala, inamin din ng aktor na may mga pagkakataong tumatanggi na rin siya sa mga proyektong iniaalok sa kanya lalo na kapag feeling niya ay hindi bagay sa kanya ang material.

“I’m very fortunate to be in the position that I can say no, not because I have that much.

“Baligtad, eh, when I reached the age of 35 or 40, I started subtracting. Before that, it was all addition. You want more cars, you want more clothes, more friends.

“So when I got to mga 40, I had to do subtraction. Bawas kaibigan, pipiliin ko lang ‘yung mga kaibigan. Bawas damit, bawas luho, bawas lahat so I can arrive at this position.

“And I’m able to say, ‘No, I don’t want to do that. I don’t want to do this.’

“Hindi magastos na lifestyle and finding the beauty of the mundane and simple things. I made that my mantra,” paliwanag pa ni Ian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …