Friday , April 25 2025

Sapak mula sa alak 
AMOK ‘NANGHIRAM’ NG TAPANG SA SUMPAK SA KARSEL BUMAGSAK

060524 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

HINDI napanindigan ng isang 31-anyos lalaking amok ang tapang na hiniram sa bitbit na sumpak para maghasik ng sindak sa kanilang kapitbahayan matapos arestohin ng mga awtoridad sa Quezon City nitong Martes ng madaling araw at ngayo’y sa karsel bumagsak.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4 chief, P/Lt. Col. Reynaldo Vitto, ang suspek na nagkasapak dahil sa sobrang pag-inom ng alak na si Ian Carlo Jacob, 31, residente sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Sa imbestigasyon, bandang 1:00 ng madaling araw kahapon, 4 Hunyo, nakatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa isang concerned citizen at inireklamo ang isang lalaking lasing na nagwawala habang may hawak na sumpak.

Agad nagresponde ang mga pulis at naabutan pa ang suspek habang nagwawala, tinatakot, at sinisindak  ang lahat habang armado ng improvised shotgun o sumpak.

Mabilis na inaresto ng mga pulis ang suspek hanggang makompiska ang sumpak  na kargado ng  12 bala.

Inihahanda ang kasong Alarms and Scandals at paglabag sa RA 10591, o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition laban sa suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pinuri ni QCPD Director, P/BGen. Redrico A. Maranan ang maagap na pagresponde ng mga tauhan ng PS-4 sa nasabing insidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakompiska sa baril nito.

About Almar Danguilan

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …