Saturday , April 26 2025
QCPD LTO

QCPD bumuo ng SITG sa pagpaslang sa LTO employee

BUMUO ang Quezon City Police District (QCPD) ng  Special Investigation Task Group (SITG) para sa malalimang imbestigasyon sa pagpatay kay Mercedita Gutierrez,  LTO employee, na tinambangan nitong  Biyernes ng gabi, 24 Mayo 2024.

Sa direktiba ni QCPD director P/Brig. Gen. Redrico Maranan, layunin ng SITG GUTIERREZ na pamumunuan ni P/Col. Amante Daro, Acting Deputy District Director for Operations (ADDO), ay upang matukoy ang motibo sa pagpaslang at makilala ang salarin para sa pagkaaresto nito.

Sa imbestigasyon, bandang 6:20 pm nitong Biyernes, 24 Mayo 2024, pinagbabaril ng suspek na lulan ng motorsiklo ang biktima sa kanto ng K-H Street at Kamias Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Naisugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) para gamutin pero idineklarang dead on arrival ng attending physician.

“SITG GUTIERREZ will take into account all relevant information to ascertain the reason behind the shooting. Our prayers and sympathy to the bereaved family of the victim. The QCPD  will not stop pursuing the suspect and we will make sure that justice will be served,” pahayag ni Maranan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …