Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

051724 Hataw Frontpage

ni Almar Danguilan

MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American national na nakilala nila sa ‘dating app’ nang sila’y pagbubugbugin matapos humingi ng paunang bayad sa loob ng isang hotel sa Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa report ng Masambong Police Station 2 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 6:00 pm nitong Miyerkoles, 15 Mayo, nang maganap ang insidente sa loob ng Dream World Hotel na matatagpuan sa EDSA, Brgy. Phil-am, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Kathleen Quejado ng Station Women and Children Concern Section, nakilala sa ‘dating app’ ng mga biktima na itinago sa pangalang Marielle, 22 anyos,  at Sandra, 28, ang Amerikanong kinilalang si alyas Christopher.

Nakipagkasundo ang mga biktima na magbibigay ng ‘sex service’ sa dayuhan kapalit ng pera.

Sumang-ayon naman ang dayuhan at kasama ang mga biktima ay nag-check-in sa hotel.

Nang nasa loob na ng hotel ang mga biktima ay hiningan nila ang suspek ng paunang bayad pero nagalit ang dayuhan saka ginulpi ang dalawang babae.

Agad nakalabas ng hotel ang mga biktima at humingi ng saklolo sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa Amerikano.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9262 o  Violence Against Women & their children (VAWC) laban sa dayuhan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …