ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
DALAWANG pelikula ang hindi dapat palagpasin ngayong summer. Ito ang mga pelikulang “Lady Guard” at “Kulong” na mapapanood na ngayong Mayo. Garantisadong pagpapawisan sa ‘init’ ang dalawang pelikulang ito!
Saksihan ang mga nakaiintrigang pangyayari at hulihin ang mga nag-aalab na sexy scenes sa Vivamax movies na Lady Guard na mapapanood na ngayong May 3, at Kulong na palabas na sa May 24, 2024.
Sa Lady Guard, isang babae ang masasangkot sa mga kaduda-dudang gawain sa pag-asang magkaroon ng magandang buhay, pero biglang mag-iiba ang takbo ng mga pangyayari laban sa kanya.
Mula sa direksiyon ni Bobby Bonifacio, Jr. Ito ay kuwento ni Estelle (Angela Morena), isang confident pero mabait na security guard sa isang dropshipping warehouse. Sa likod nito ay isang matinding katotohanan: siya ay nasasangkot sa mga ilegal na gawain.
Tinutulungan niya ang warehouse supervisor na si Janus (Anthony Davao) na magpatakbo ng isang underground gambling ring sa warehouse pagkatapos ng oras ng trabaho. Tumatanggap din si Estelle ng sexual at financial favors habang binabantayan at pinapanatiling maayos ang lahat.
Si Meryl (Irish Tan) naman ay ang bagong hire na warehouse guard. Ang inosenteng si Meryl ay hindi makapaniwala dahil matutuklasan niya kung ano ang ginagawa nina Estelle at Janus pagkatapos ng oras ng trabaho. Upang tiyakin ang kanyang pananahimik, pipilitin ni Estelle si Meryl na sumali. Aakitin siya nito ng mga bagay at benepisyo na maaari niyang makuha kapag sumali siya. Dahil lumaki sa hirap, papayag si Meryl.
Mabilis na masisilaw si Meryl ng kanyang pagnanais ng mas marami pang kayamanan kaya naman tatraydurin niya si Estelle at ipatatanggal sa trabaho. Pero para kay Estelle, hindi rito natatapos ang lahat dahil hindi siya basta-basta sumusuko.
Sino ang mas mahusay sa larong ito? Isa lamang sa kanila ang puwedeng manalo sa maruming laban na ito. Abangan kung ano ang mangyayari sa dalawang lady guards sa May 3.
Samantala, tatlong aspiring screenwriters ang magpapakawala ng kanilang alindog sa pelikulang Kulong mula sa direksiyon ni Sigrid Polon. Gagampanan nina Jenn Rosa, Cariz Manzano, at Aica Veloso ang papel ng tatlong magkakaibigan na sina Minerva, Tisay, at Aica.
Kahit tinatahak ng tatlo ang kanya-kanyang career, gusto nilang balikan ang kanilang pangarap noong college na makasulat ng isang bigating screenplay. Isang scriptwriting contest ang kanilang sinalihan at may isang linggo lamang sila para ipasa ang kuwento at treatment na kailangang umikot sa temang sexy.
Para makapag-focus sila sa pagsusulat, tumuloy ang tatlo sa isang private resort. Pero hindi pala katahimikan ang kanilang kailangan, kundi karanasan. At iyon ang malaking problema. Lahat sila ay clueless pagdating sa sex. Ilang taon na rin kasing single sina Minerva at Tisay, habang virgin pa rin si Love.
Napagkasunduan ng magkakaibigan na akitin ang caretaker ng resort na si Boie (JD Aguas) para makakuha ng “sexperience.” Ginawa pa nila itong isang kompetisyon – panalo ang makauna at maka-all the way kay Boie.
Bukod kay Boie, papasok din sa eksena ang delivery rider na si Jelon (Ralph Engle) at water delivery boy na si Rom (Ghion Espinosa). Maging sila ay walang kawala sa pang-aakit ng mga babae.
Sapat kaya ang matitikman nilang “sexperience” para makasulat ng kuwentong ipagmamalaki nila? Mag-subscribe na sa Vivamax para malaman ang sagot! Mapapanood ang “Kulong” simula May 24, 2024.
Pumunta sa web.vivamax.net. Maaari rin mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery. Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc. Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.
Mayroon rin Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.