Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Lalaki pinatay sa harap ng live-in partner

PATAY ang 42-anyos lalaki nang saksakin sa likuran ng hindi kilalang salarin habang naglalaro ng ‘online games’ kasama ang kaniyang live-in partner sa isang internet shop sa  Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rigor Arbela Canlas, 42, may live-in partner, nakatira sa Kasoy St., Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 2:00 am nitong Biyernes, 26 Abril, nang maganap ang pananaksak sa loob ng internet shop na matatagpuan sa Durian St., Area 9, Brgy. Pasong Tamo, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon nina P/Cpl. Aniceto Cebreros at Pat. Raymond Ramos, abala ang biktima at ang kaniyang live-in partner na si Roxanne Marie Bayotas Herold, 39, isang musician, sa paglalaro ng online games sa nasabing internet shop.

Makalipas ang ilang minute, biglang sumigaw ang biktima at tumakbo palabas ng internet shop.

Nagtatakang sinundan ng kaniyang partner ang biktima pero paglabas sa internet shop ay bigla itong duguang bumagsak sa lupa.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima pero binawian ng buhay bandang 3:00 am sa parehong petsa.

Nagsasagawa ng follow-up at backtracking ng mga CCTV ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan ng salarin at motibo nito sa ginawang pananaksak.

May hinala na posibleng ang suspek ay isa rin sa mga naglalaro ng online games at maaaring nakaalitan o nakapikunan ng biktima. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …