Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon

HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga nanood ng premiere night na When Magic Hurts na dinaluhan ng mga lead stars na sina Beaver Magtalas, Mutya Orqiuia at Maxine Trinidad. Kasama ang mga supporting cast members na sina Angelica Jones, Dennis Padilla, Aileen Papin at marami pang iba.

Pinalakpakan ang pelikula dahil sa ganda ng istorya at galing ng akting ng mga artistang nagsipagganap. Isa pa rito ay ang galing ng cinematography ng pelikula dahil ipinakita sa movie ang ganda ng Atok, Benguet.

Bagamat mga baguhan sa pag-arte sina Maxine at Beaver, kinakitaan naman sila ng galing sa pag-arte. Gayundin naman si Mutya na alam naman nating nagsimula sa showbiz bilang child star. 

Nakakikilig ang mga eksena nina Beaver at Mutya sa pelikulang ito. Masasabi talaga nating sila ang Rico Yan at Claudine Barretto ng kanilang henerasyon. 

Hindi rin matatawaran ang galing pa rin sa pag-arte nina Claudine at Dennis Padilla na una palang nagsama sa pelikulang ito. Very promising din ang anak ni Claudine na si Quia Barretto na gumanap bilang batang Mutya na manang-mana sa kanyang nanay na si Claudine na magaling din umarte.

Ang When Magic Hurts is a feel good movie directed by Gabby Ramos. Siguradong mai-inlove kayo sa character nina Beaver, Claudine, at Maxine sa pelikulang ito. Showing very soon in cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …