Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Audrey Avila

Audrey Avila, maraming pasabog ng eksena sa pelikulang Dayo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG pelikulang Dayo ang susunod na aabangan sa sexy actress na si Audrey Avila.

Challenging ang role rito ni Audrey bilang isang prosti na naghahangad magbago ng buhay, kaya dumayo sa malayong probinsiya para makapagsimulang muli ng bagong buhay.

Kasama niya sa paghahangad ng bagong buhay ang lead actress dito na si Rica Gonzales.

Bukod kina Rica at Audrey, tampok sa Dayo ang hot na hot na Vivamax hunk actors na Marco Gomez, Nathan Rojas, at Calvin Reyes. Kasama rin dito sina Sue Prado at AJ Oteyza.

Hatid ito ng Viva Films and 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo. Ang pelikula ay mula sa screenplay ni Quinn Carrillo at sa pamamahala ni Direk Sid T. Pascua.

Inusisa namin ang Vivamax sexy actress hinggil sa kanilang pelikula at ang role na ginagampanan niya rito.

Esplika ni Audrey, “Bale rito ay naging prosti or pokpok kaming dalawang mag bestie… pero, bale retired na prosti na kami sa pelikula pong ito.”

Bakit Dayo ang title ng kanilang movie?

Aniya, “Ang Dayo po means new beginning and new hope sana namin ni Rica, but instead na-haunt pa rin kami ng past namin.”

Pagpapatuloy pa ng sexy actress, “Ako po rito ay si Kikay, na naniniwala sa YOLO (you only live once), na very supportive best friend ni Rica Gonzales.

“Ang Dayo po ay isang sexy-drama movie, about siya sa mga prostitute na Manila girls na naghangad magbagong buhay, kaya lumipat sa La Union. Pero hanggang doon pala ay hinabol sila ng kanilang mga nakaraan sa buhay.”

Sino ang naka-love scene niya sa movie? “Ang naka-love scene ko rito ay si Nathan Rojas,” matipid na sagot ni Audrey,

Nabanggit din ng dalaga kung gaano siya ka-kasexy sa kanyang latest na pelikula mula Vivamax.

Pahayag niya, “Super hot and sexy po ang mapapanood nila sa akin dito! Kasi may beach front sneaky scene kami ni Nathan and grabe rin yung mga eksena nila Rica, rito.”

Paano siya nag-prepare sa role na pokpok o prostitute?

“Ang ginawa ko po, inaral ko lang po iyong lifestyle nila by watching films that has something to do with prostis,” sambit pa ng seksing-seksing talent ni Jojo Veloso.

Sinabi rin ng aktres na super-happy siya sa kanyang mga co-stars sa nasabing pelikula.

Aniya, “Super-happy ko po, first of all kasi first time ko silang lahat na naka-work and masaya silang makasama… plus, super-gaan talagang katrabaho nila.”

Ang world premiere ng pelikulang Dayo ay sa April 19 na, exclusively on Vivamax. Kaya hindi ito dapat palagpasin!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …