Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joy Belmonte QC Payatas housing

QC LGU, bumili ng lupa para sa 1k pamilya sa Brgy. Payatas

HINDI KUKULANGIN sa 1,000 pamilya mula sa Barangay Payatas ang potensiyal na maging benepisaryo ng Direct Sale and Direct Purchase Program  ng Quezon City Housing, Community Development and Resettlement Department (HCDRD).

Ito’y matapos malagdaan ng Quezon City Government at ng Mega East Properties Inc., ang deed of sale sa pagbili ng lupa.

Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang deed of sale signing kina MEPI President Bobby Gonzales, at Edgar Khron ng MRCI.

Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng ganap na pagmamay -ari ang informal settler families sa lupang kinatitirikan ng kanilang bahay na matagal na nilang tinitirahan.

Sa ilalim ng programa, bibilhin ng lokal na pamahalaan  ang lupa mula sa private owners upang maibahagi at maibenta sa mga residente sa mababang halaga.

Mula noong Hulyo 2019, mahigit 17,000 mahihirap na benepisaryo sa lungsod ang nabigyan na ng security of land tenure  sa pamamagitan ng  Land Acquisition and Socialized Housing program ng lungsod.

May kabuuang 36.1 ektarya ng lupa ang nabili ng LGU sa Barangays Payatas, Bagong Silangan, Baesa, at Old Balara. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …