Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Kim Chiu

Xian nilinaw pakakasalan si Kim kapag 50-60 taon na siya

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG cute rin naman ng kuwento ni Xian Lim. Nilinaw niyang balak niyang pakasalan si Kim Chiu at bumuo ng isang pamilya, kung mga 50 o 60 na siya. Hindi na nga lang nakapaghintay si Kim sa kanya. Nilinaw din niyang ang priority niya sa ngayon ay ang kanyang lolo at lola.

Iyan naman ay typical Chinese na tradisyon. Hindi maaaring pabayaan ang mga nakatatanda, in the case of Xian, hindi niya maiwanan ang lolo at lola niya na siguro nga naging napakalapit niya sa mga iyon. Pero hindi mo naman masasabi na kasalanan ni Kim iyong hindi siya nakapaghintay.

Natural lang naman para sa isang babae ang gusto ring magkaroon ng pamilya at maranasan din ang magkaroon ng sariling mga anak. Kung 50 na nga ba naman siya eh may pag-asa pa siyang manganak? 

Natural nag-iisip din iyon, paano sa pagtanda niya kung wala siyang mga anak, mapapabayaan din siya. Kung wala nga siyang anak eh magkakaroon ba siya ng apong kagaya ni Xian na willing na mag-asawa ng matanda na habanmbuhay pa ang lolo at lola niya? Isa pa, baka alam din ni Kim na malakas pa ang mga katawan ng lolo at lola ni Xian, at kung mawala man ang isa sa mga iyon, tiyak na lalong hindi niya maiiwan kung sino ang natitira pa.

Hindi naman kaya  napakalaki ng maaaring manahin si Xian mula sa mga lolo at lola niya na kahit na hindi na siya mag-asawa pa at magkaroon ng sariling anak kaya niyang kumuha kahit na isang batalyong care giver na mag-aalaga sa kanya? Hindi natin alam eh, basta ang sabi niya, sa ngayon ang priority niya ay ang lolo at lola niya.

Ngayon ay split na sina Xian at Kim. Malaya na si Kim na tumanggap ng mga bagong manliligaw na willing na pakasalan siya bago pumuti ang buhok niya. Unfair din naman kay Kim iyong magsyota pa sila tapos maghihintay pa pala siyang matapos ang responsibilidad ni Xian sa lolo at lola niya. Napakapangit naman siguro kung pupunta si Kim sa labas ng simbahan ng Quiapo, magtitirik ng kandilang itim na hugis tao at mananalangin na sana matapos na ang responsibilidad ni Xian. O kaya magpunta siya sa isang Chinese temple, magsindi ng incense stick at hilingin sa mga nakatatanda na tapusin na ang obligasyon ni Xian. Baka kung gawin niya iyon at malaman ni Xian break na rin sila.

Pero natawa ako sa comment ng isang kaibigan namin tungkol sa sinabi ni Xian. Matapos na humigop muna ng mainit na kape, ang sabi niya, “ang cute naman ni Xian, ang sarap tirisin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …