Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
luis manzano

Luis graduate na sa pagho-host ng mga reality TV at game show

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay Luis Manzano ng ABS-CBN, sinabi niya na graduate na siya sa pagiging host ng mga reality TV at game show. Feeling niya, it’s about time na bigyan naman ng chance ang young generation ng mga Kapamilya na maaaring sumunod sa kanyang yapak.

‘Yun ang sagot niya sa tanong sa kanya, na kung magbabalik na ba ang reality competition na Pilipinas Got Talent, na siya ang host ng ilang beses, at kung siya ba ulit ang kukuning  host nito?

Wala pa siyang idea kung muling magkakaroon ng PGT pero aniya, maraming promising host ngayon na pwedeng pumalit sa kanya sa show as a host.

Sabi ni Luis, “Congratulations sa kung sino man, hindi ako eh, kumbaga nag-rest na ko sa ‘Pilipinas Got Talent.’ Sabi ko nga why not give it to the new generation.

“Nakikita kong pwede si Robi (Domingo), si Donny (Pangilinan), pwedeng si Edward (Barbers)or maybe si Enchong (Dee). It’s about time na ibigay na ‘yung mga ganoong show sa kanila,” aniya pa.

Ang naiisip ni Luis na pwede niyang gawin in the future ay mga game show o reality TV with original concept.

Sa ngayon ay super happy siya sa pagiging daddy sa anak nila ni Jessy Mendiola na si Rosie o Baby Peanut. Looking forward din siya sa pagbabalik-showbiz ng kanyang wifey very soon.

Sey pa ni Luis, hindi siya makikialam sa magiging diskarte ni Jessy sa kanyang showbiz comeback. Hindi rin niya pagbabawalan ang asawa na gumawa ng intimate at daring scenes.

She can do whatever she wants. If it will give you artistic fulfillment, then by all means go ahead,”paliwanag pa ni Luis.

May plano na ba sila ni Jessy na magkaroon ng baby number 2? 

May mga contractual obligations pa na kailangang asikasuhin. Pero hopefully, in a year or two eh maging ‘ate’ na si Peanut,” sagot niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …