Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rica Gonzales Itan Rosales Calvin Reyes

Itan Rosales, Calvin Reyes, at Rica Gonzales, kaabang-abang sa Sin City

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG pelikulang Sin City (tentative title) na mapapanood this year ay hindi dapat palagpasin.

Sina Itan Rosales, Calvin Reyes, at Rica Gonzales ang tatlo sa tampok sa pelikulang ito na very soon ay mapapanood na sa Vivamax streaming app.

Ang tatlo ay nasa pangangalaga ng talent manager-producer na si Ms. Len Carrillo.

Nagkuwento sila sa respective roles sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Abdel Langit at isinulat ni Quinn Carrillo.

Pahayag ni Rica, “Ako po rito si Mica, ang partner po ni Carlo (Sean De Guzman) pero wala po kaming label rito. Isa po akong regular na customer sa bar na kung saan sila nagpe-perform.

“Actually, medyo maigsi lang po ang role ko rito, pero masasabi ko naman na kahit paano ay magmamarka ito sa mga nanonood Kasi po,  isa sa rason, dahil sa mga matatamis na intimate na love scenes namin ni Sean, na dapat po nilang abangan.”

Dagdag pa ng aktres, “Sobrang happy ko po talaga na nakasali ako rito at nakatrabaho ko po ang mga kapatid ko po na nasa pangangalaga ni Nanay Len. Hoping rin po, na sana ay magkaroon po ulit kami ng movie, na this time ay mahaba-haba naman din po ang appearance ko with them.”

Kuwento naman ni Itan, “Ang role ko po roon ay pinakabata sa lima, five po kasi kami rito and ako po iyong parang bagito sa aming lima.

“Sa movie, nagtatatrabaho po ako sa isang private club po rito, yung exclusive na high end na club po. Hindi ko na po masyado ikukuwento dahil baka maging spoiler, masasabi ko na lang po na sana po ay abangan nila at panoorin nila ang aming movie.”

Ayon naman kay Calvin, “Dito po sa movie, isa po akong performer sa isang high end na club sa Maynila, may sponsor po ako rito na matandang babae at may asawa’t anak din po ako na nasa probinsiya.

“Maide-describe ko po yung movie na parang alak, kasi sobrang pait ng nangyari sa amin dito at mahihilo ka sa mga love scenes dito, hahaha!”

Si Itan ay bagong graduate lang ng high schoo at gusto niyang mas mag-focus ngayon sa kanyang showbiz career. Naging bahagi siya ng grupong Clique V noon, pero dahil sa pandemic ay sa online show lang siya napanood sa all-male group na ito.

Fall Guy ang unang movie ng guwapitong aktor at Langitngit naman ang naging launching movie niya last year.

Si Calvin naman ay gumaganda lalo ang takbo ng showbiz career ngayon. In fact pinuri siya ng kanilang direktor sa Haslers na si Direk Abnel sa ipinakitang performance sa naturang pelikula at sinabi nitong si Calvin ang lalaking Jaclyn Jose.

Si Rica ay 20 years old at 2nd year college sa PATTS College of Aeronautics ng kursong Bachelor of Science in Air Transportation. Third movie na ng aktres ang Sin City at nabigyan ng launching film ang sexy actress via Hibang na napapanood na ngayon sa Vivamax.

Nagpasalamat siya sa kanilang manager sa napakalaking break na ibinigay sa kanya para magkaroon ng puwang sa mundo ng showbiz.

“Beyond grateful and thankful po ako sa manager kong si Nanay Len po, dahil pinagkatiwalaan niya po ako… na kaya ko pong gawin ang trabaho ko. And kung hindi rin po dahil sa kanya ay wala po ako sa kinatatayuan ko po ngayon,” masayang sambit ni Rica.

Anyway, tampok din sa pelikulang Sin City sina Sean de Guzman, Marco Gomez, Mon Mendoza, Ataska, Apple Castro, Cath Ventura, Tiffany Grey, at iba pa.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …