Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nikko Natividad PKPM

Nikko Natividad marunong magdrama, ‘di lang pala pagpapatawa ang alam

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAPANOOD namin the same date na dumalo kami sa mediacon ng NWOW (thanks to Adjes Carreonsa imbitasyon) ang red carpet premiere ng Para Kang Papa Mo na pelikula ng Viva Films sa Cinema 2 ng SM Megamall.

Akala namin katatawanan at hubaran ang pelikula, maling-mali kami.  

Maliban sa seksing-seksi kami kay Kid Yambao sa isang eksena na naka-Tarzan costume, serious drama pala ang movie na ito ni Darryl Yap.

Kuwento ito ng tatlong magkakaibigan, sina Mark Anthony Fernandez, Jao Mapa, at Eric Fructuoso, na eventually ay nadagdag na sa plot twist ang mga anak nilang sina Nikko Natividad, Zeus Collins, at si Kid nga.

Madrama ang pelikula, tungkol sa relasyon ng isang mag-ama na sinubok ng matindi ng tadhana. Aba, ‘yung Nikko, akala namin komedyanong hunk ng Viva, nakaaarte, marunong magdrama.

At ang gandang “babae” niya, huh!

Si Zeus, pak na pak sa mga eksenang nakatatawa (oo may comic scenes ang movie) at si Kid, sa breakdown scene niya, kahit walang sound ang palahaw niya ng iyak dahil may voice-over, nakadadala ang arte niya, ang facial expression niya na kitang-kitang napakasakit ng nararamdaman niyang pagkamatay ni… 

Ah basta, watch niyo sa mga sinehan ang Para Kang Papa Mo na palabas na sa mga sinehan ngayon.

Pero hindi pa tapos ang item na ito, kailangang banggitin namin si Ruby Ruiz na p_t_ngina sa husay, mapapamura ka talaga sa mga eksena niya.

Isa pa itong si Ms. Ruiz na dapat mabigyan ng bonggang Hollywood break.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …