Friday , November 22 2024
Billy Jake Cortez PKPM

Billy Jake Cortez, gumanap ng favorite role sa ‘Para Kang Papa Mo’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ITINUTURING ni Billy Jake Cortez na favorite role niya ang ginampanan sa pelikulang ‘Para Kang Papa Mo’ na showing na ngayon sa mga sinehan, nationwide.

Nagbabalik nga sa big screen ang box-office director na si Darryl Yap para sa kanyang 15th film. Ang light-hearted, fun comedy-drama na ito ay pinagbibidahan nina Mark Anthony Fernandez at Nikko Natividad,

Ang Para Kang Papa Mo ay isang heartfelt story tungkol sa matibay na samahan at relasyon ng isang tatay at anak, at kung ano ang mga kaya nating isakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay.

Nakapanayam namin si Billy Jake at inusisa namin ang role niya sa pelikula.

Esplika niya, “Ako si Dr. Yuson, siya yung plot twist character kasi hindi sinasabi sa teaser and trailer na about sa kidney transplant pala ang pelikula. Si Dr. Yuson professional lang, hindi masyadong apektado sa nangyari, kasi rampant naman ang pagbebenta ng kidneys noon, ngayon controlled na.”

Ito raw ang favorite role ni Jake, bakit niya nasabi iyon?

“Natuwa ako, kasi napakahaba ng linya ko noong nag-e-explain ako ng treatment sa kalagayan ni Nikko (Hermione). Diyos ko! Siguro isa’t kalahating papel ang minemorya ko. Walang VO roon!!

“I also worked with doctors before kaya parang nagka-immersion na ako kahit paano sa role ko.”

Dream ba niyang maging doctor noon?

Tugon ni Billy Jake, “Hindi naman pero I’m very close with a lot of doctors. Ako kasi, napaka-health conscious ko. Kaya mga lab tests memorize ko, I love going to the clinics and have my check ups!”

Pahabol pa niya, “Tuwang-tuwa ako sa mga medical happenings. Siguro nga gusto ko talagang maging doktor! Pero at least, naging doktor naman na ako sa pelikula, hahaha!”

Ang mga 90s matinee idols at heartthrobs na sina Mark Anthony, Eric Fructuoso, at Jao Mapa ay gaganap bilang sina Anton, Ric, and Jose, trio ng magkakaibigan na may matibay na samahan at nagiging takbuhan ang isa’t isa lalo na sa oras ng pangangailangan.

Bawat isa sa kanila ay may anak at tulad nila ay naging magkakaibigan din ang mga ito – sina Harry, Kobe, at Eminem na gagampanan naman ng ilan sa hunk actors ngayong henerasyon, ang Hashtag members na sina Nikko Natividad, Kid Yambao, at Zeus Collins.

Maraming naiyak sa movie nilang ‘Para Kang Papa Mo, ano ang reaction niya rito? “Naiyak din ako, pero I’m expecting to laugh more kasi alam kong mas comedy ito… pero ayun napaiyak ako. Baliktad pala,” sambit pa ni Billy Jake.

Paano niya ide-describe ang movie at ang co stars niya, lalo na sina Nikko at Mark Anthony?

“Ang Para Kang Papa Mo is full of everything. May action, may comedy, may drama. Ang ganda ng plot twist!

“Si Nikko funny ang mga natural adlib attacks niya at magaan katrabaho. Si Sir Mark Anthony, nakukuha niya ako sa drama niya on set, eh. Siyempre I keep my composure, kasi nga doktor ako roon, Hahaha! Dapat hindi ako gaano apektado.”

How about si Direk Darryl, anong klase siyang director?

“Si Darryl, he motivated me eversince I started. Siya yung unang naniwala sa akin na kaya kong umarte. Lalo na’t host ako talaga, mahirap ang pag-transition sa hosting to acting. Kaya tinuruan niya akong mag-shift ng techniques from hosting to acting.

“Hands-on siya sa pagdidirek at so far sa dami naming projects na magkasama, na-proud siya sa akin dito,” wika pa ni Billy Jake.

Seventh project na niya kay Direk Darryl ang Para Kang Papa Mo, at 12th naman niya para sa Viva Films. Matatandaang nagmarka si Jake sa papel na batang Mel Mathay sa pelikulang Martyr or Murderer. Ito ang sequel ng biggest blockbuster movie ng 2022 – ang Maid in Malacanang ni Direk Darryl.

Ang Para Kang Papa Mo ay ang comeback movie ni Direk Darryl matapos niyang panandaliang magpahinga pagkatapos gawin ang Martyr or Murderer.

Produced by Viva Films, mapapanood din sa pelikula sina Ruby Ruiz, Juliana Pariscova Segovia, Rose Van Ginkel, at Gerard Acao.

Showing na ngayon ang Para Kang Papa Mo, in cinemas nationwide.  

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …