Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Christopher De Leon When I Met You in Tokyo 

Ate Vi wala pa ring makakakabog

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

AFTER six years ay naganap nga ang Fan’s Day ni idol-kumare-Star for all Seasons Ate VI para sa kanyang mga loyal and very supportive fans/friends.

Tatlong malalaking Vilma Santos fans clubs/groups ang nagsanib puwersa last Nov. 25 para ipakita nilang sila’y nagkakaisa at susuportahan ang When I Met You In TokyoMetro Manila Film Festival(MMFF) entry nina ate Vi at Christopher de Leon.

Nandiyan ang VSSI (Vilma Santos Solid International) sa pamumuno ng napaka-sipag na si Jojo Lim, ang VSFFI (Vilma Santos Friends Forever Intl.) nina Willy Fernandez at Ed Santiago, at ang SILVI (Silent Vilmanians) under naman kay Marcelino Santos.

Masaya ang lahat dahil talagang nakita nila ang sobra-sobrang pagmamahal at pag-aalaga sa kanila ni Ate Vi. Winner ang mga papremyo, raffle prizes, at masarap na pagkain sa tulong ng mga sponsor lalo na ang mula sa mga producer ng movie na sina Ms Redgie Magno, Rowena Jamaji, at Karishma Gidwani ng JG Productions.

Isa ako sa mga nagsilbing program host kasama ni bonggang Morly Alinio sa mahigit na 300-fans na nanggaling pa sa malalayong probinsiya gaya ng Laguna, Batangas, Rizal at iba pa.

Next issue ko na ikukuwento ang napakasayang mga ganap na nagpa-teary eyed kay Ate Vi. Nandoon sina Boyet de Leon, ate Lyn Cruz, John Gabriel, at nakigulo rin si kapatid Tirso ‘Pipo’ Cruz lll sa mga naghandog ng prod number na ka-edaran niya hahaha! Basta masaya ang kulitan!

Iba pa rin talaga ang isang Vilma. Original at walang makaka-kabog kung sa mga ganitong ganapan din lang naman.

Ang maganda pa rito, dumarami na rin ang mga bagets na fans ni ate Vi na mga millennial o gen-Z. Amazing talaga!

Dalawa nga rito ang naging co-host namin (Marina Silva at Caroline Acosta) na sobrang fan na fan din at sobrang starstruck pa kay Ate Vi everytime magsasalita.

Congratulations uli at kita-kits sa Dec. 25 sa mga sinehan for When I Met You in Tokyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …